Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 30 NG 30

Ang Ating Tagapamagitan

Isang kaaliwang malaman na namamagitan para sa atin si Cristo sa langit. Bakit mahalaga ito? Sapagkat ang diyablo ay darating at ibubulong sa ating tainga ang, "Bakit hindi ka magpatuloy at magkasala? Wala namang makakaalam. Hindi ko sasabihin kung hindi mo sasabihin." Kaya't kumakagat tayo sa pain at gagawin ang maling bagay.

Pagkatapos ay babalik ang diyablo at sasabihin, "Ikaw ay isang miserableng mapagpaimbabaw! Sa palagay mo ba ay karapat-dapat kang lumapit sa Diyos? Sa palagay mo ba ay diringgin ng Diyos ang iyong panalangin? Dumarating siya na may dalang tukso, at kapag tayo ay kumagat sa kanyang pain, aakusahan naman niya tayo.

Isipin mong nasa hukuman tayo na si Jesus ang ating tagapagtanggol at ang diyablo ang tagausig. Sinasabi ng Biblia na inaakusahan tayo ng diyablo sa harap ng Diyos araw at gabi (Pahayag 12:10). Ganito ang tila sinasabi niya sa Diyos, "Alam mo, ang taong iyan ay isang mapagpaimbabaw na tao. Hindi siya mabuting Cristiano. Hindi mo dapat pakinggan ang kanyang mga panalangin."

Kaya ganito naman ang isasagot ni Jesus, "Oo, alam Kong nagkamali siya, ngunit mahal Ko siya at namamagitan Ako para sa kanya." Iyan ang ating Tagapamagitan, namamagitan sa harapan ng Diyos para sa ating kapakanan.

Ang muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo ang nagbibigay sa akin ng katiyakang namamagitan Siya sa langit para sa akin. Sinasabi sa Mga Taga-Roma 8:34 ang, "Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin."

At sinasabi naman sa atin ng Mga Hebreo 7:25 na, "Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila."

Hindi mahirap maging Cristiano; ito ay imposible--kung wala ang tulong ng Diyos. At dahil si Jesus ay namatay at nabuhay na muli, namamagitan Siya para sa atin sa Ama.

Buod na Pangungusap: Ang tagausig ay naglalayong mahatulan tayo ng parusa; ang muling binuhay na Jesus ay nagnanais na mamagitan para sa ating kapakanan.

Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org