Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Kanyang Gawa, Kanyang Pamamaraan, Kanyang Kapanahunan
May mga taong nagsisimula ng mga proyekto nang buong sigla ngunit hindi nila laging tinatapos ang mga ito. Iyan ako. Natutuwa akong simulan ang isang bagay, ngunit kung minsan, nawawala ang interes ko. Halimbawa, kapag ako ay nagluluto, natutuwa akong maghanda ng pagkain at kainin ito, ngunit hindi ko talaga gustong magligpit nito pagkatapos. O kaya naman ay kung kailangan nang linisin ang garahe, matatapos ko ang tatlong-kapat nito, pagkatapos ay sasabihin ko, "Maya-maya ko na tatapusin ang iba." At hulaan ninyo kung anong mangyayari? Hindi ko na ito matatapos.
Hindi ka ba nasisiyahan na hindi ganyan ang Diyos? Isipin mo nalang kung sabihin ng Diyos, "Alam mo, mahal Kita. Pinili Kita. Gusto kong baguhin ka na maging kalarawan Ko. Kaya lang, medyo nababagot na ako sa iyo. Kaya lilipat muna ako sa iba."
"Ano? Sandali lang. Hindi mo ako tatapusin?"
"Hindi. Nakalipat na ako sa iba. May nakita akong mas kawili-wili kaysa sa iyo."
Ngunit tinatapos ng Diyos ang anumang Kanyang sinisimulan. Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na Siya ang "pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya" (Hebreo 12:2, idinagdag ang diin). At sinasabi sa Mga Taga-Filipos 1:6 na, "Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo."
Ngunit narito ang kailangan nating tandaan: Ginagawa ng Diyos ang Kanyang trabaho sa Kanyang pamamaraan at sa Kanyang kapanahunan. Gaya ng sinasabi sa Mga Mangangaral 3:11, "Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan." Ngunit paminsan naiinip tayo sa Diyos. Sinasabi natin, "Panginoon, tapusin Mo na ito!"
Tatapusin Niya ito--makakasiguro ka diyan. Ngunit minsan kapag wala tayong nakikitang pag-unlad, iniisip natin na wala nang interes ang Diyos sa atin o kaya naman ay talagang iniwan na Niya tayo. Kailangan nating tandaan na hindi ito kailanman ang kaso. Tatapusin Niya ang Kanyang sinimulan.
Buod na Pangungusap: Hindi ka ba natutuwang tatapusin ng Diyos ang sinimulan Niya sa iyo?
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng King James Version, Karapatang maglathala © 1982 by Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

God Is With You

Dayuhan Tayo Sa Mundo

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan
