Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 22 NG 30

Isang Panalangin Para sa Kaaway

Ang unang sinabi ni Jesus sa krus ay, "Ama, patawarin Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa" (Lucas 23:34). Marahil ay mas mauunawaan natin kung sinabi Niyang, "Ama, parusahan Mo sila," o ""Ama, hatulan Mo sila." Ngunit ang unang sinabi ni Jesus mula sa krus ay isang panalangin para sa Kanyang mga kaaway: "Ama, patawarin Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Ginagawa ni Jesus kung ano ang itinuro Niya. Alalahanin natin, sa Pangaral sa Bundok ay sinabi Niya, "ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo," (Mateo 5:44).

At tinutupad din ni Jesus ang propesiya tungkol sa isang Mesiyas. Sa Isaias 53, na isinulat ilang daang taon bago pa namatay si Cristo, ang sinasabing Mesiyas ay mananalangin para sa mga nagkasala. At iyan mismo ang ginagawa ni Jesus. Ipinanalangin Niya ang lahat ng taong nagkaroon ng papel sa Kanyang kamatayan.

Mismong si Pilato ay batid na walang kasalanan si Jesus. Sinabi niya, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." (Lucas 23:4). Subalit dahil masyado niyang pinahahalagahan ang kanyang trabaho at posisyon, hindi niya mapatawad at mapalaya si Jesus. Ang mga relihiyosong namumuno ay batid na walang lehitimong pagsasakdal ang madadala laban kay Cristo. Maging ang Romanong senturion na nakatayo sa tabi ng krus ay nagsabi, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!" (Marcos 15:39). Batid ni Judas Iscariote na may ginawa siyang kamalian, at sinabi pa niya, "Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan." (Mateo 27:4).

Kaya nga ang sinasabi ni Jesus ay, "Ama, patawarin mo sila. Hindi nila napapagtanto kung gaano kasama ito. Patawarin mo sila, sapagkat kailangang-kailangan nila ng kapatawaran. Patawarin mo sila, sapagkat nakagawa sila ng kasalanang hindi kayang ipaliwanag. Patawarin mo sila, sapagkat ang ginawa nila ay higit pa sa masama. Ama, patawarin mo sila."

Kailan ka huling nanalangin para sa iyong mga kaaway?

Buod na pangungusap: Bakit ko dapat ipanalangin ang aking mga kaaway?


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org