Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Huling Pagkakataon
Pag-usapan natin ang pagiging nasa tamang lugar sa tamang panahon. Ang magnanakaw na nasa krus ay humabol sa pinakahuling sandali, sabi nga.
Noong simula, ang dalawang salarin sa dalawang tabi ni Cristo ay nakikisali sa pangungutya sa Kanya. Ngunit ang isa sa kanila ay natauhan at sinabi sa kasama niya: "Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." (Lucas 23:40-41).
Pagkatapos ay sinabi niya kay Jesus, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." (bersikulo 42).
At tumugon si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso." (bersikulo 43).
Hindi ba nakakagulat kung paanong may sinasabi kang isang bagay sa isang tao, at hindi nila ito makuha . . . hindi ito makuha . . . hindi ito makuha. Pagkatapos isang araw, nakuha rin nila. Kung minsan, kailangan pang makita natin para sa sarili natin, hindi ba? Iyan ang nangyari sa salarin na nasa krus. Ang katotohanan kung sino talaga si Jesus ay dumating din sa kanya. Nakatulong ng kaunti si Pilato. Mabisang instrumento sa pag-eebanghelyo ang inilagay niyang tanda na nakapako sa ibabaw ng ulo ni Jesus. Ang sabi rito, "Ito ang Hari ng mga Judio." (bersikulo 38).
Kaya nga narito ang ang lalaking nakapako kasama si Jesus. Nakikita niyang lahat, pinapanood niyang lahat. Narinig niya ang mga sinabi ng ating Panginoon, at ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa kanyang pinatigas na puso. Pagkatapos ay naniwala siya sa sandali ring iyon.
Dalawang lalaki ang nakakita at nakarinig ng iisang bagay, at ang isa ay naniwala at ang isa ay hindi naniwala. Pareho nilang nakita ang walang kapintasan at perpektong halimbawa ni Cristo. Pareho silang mamamatay na at nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit ang isa ay namatay nang tulad sa kanyang naging buhay: matigas at walang malasakit.
Buod na Pangungusap: Dalawang tao ang nakakita sa walang kapintasan at perpektong si Jesus, ngunit isa lamang sa kanila ang tumanggap ng Kanyang biyaya.
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103
