Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 29 NG 30

Pananakit sa Pananaw

Maraming alam si apostol Pablo tungkol sa pagdurusa. Isinulat niya sa 2 Mga Taga Corinto 1: 8-9, "Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay. "

Isang tapat na pag-amin mula sa apostol: Hindi namin inisip na mabubuhay kami sa pamamagitan nito. Naisip namin na kami ay mamamatay. Kaya narito ang ginawa namin. Huminto kami sa pag-asa sa sarili namin at sa halip ay nagsimula na umasa sa Diyos.

Sinabi din ni Pablo na dapat nating kunin ang ginhawa na natanggap natin mula sa Panginoon at ipamahagi ito sa iba: "Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo." (2 Mga Taga-Corinto 1: 4-5).

Sa tingin ko magkakaroon tayo ng ibang pananaw sa ating sakit kung makikita natin kung ano ang tunay na sakit. Maaaring may isang taong nagbabasa nito na talagang nagdurusa. Ngunit sa palagay ko ay kadalasan, ang ating paghihirap ay hindi kasinsama ng kung ano ang iniisip natin. Kailangan natin ng tamang pananaw.

Dumadalaw ako sa ospital nang hindi mabilang na beses upang bisitahin ang mga taong namamatay, at mas nakapaglingkod pa sila sa akin nang higit sa nakapaglingkod ako sa kanila. Ibabahagi nila kung ano ang ipinakikita sa kanila ng Panginoon sa pamamagitan ng Kasulatan, kung paano Niya ipinakikilala ang Kaniyang ginhawa sa kanila, at kung paano sila pinalalakas ng Diyos. At lalabas ako nang may isang bagong pananaw dahil ang mga taong iyon ay nakatulong sa akin.

Buod na pangungusap: Kapag nakita natin kung ano ang tunay na pagdurusa, nagkakaroon tayo ng ibang pananaw.


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.

Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05

Banal na Kasulatan

Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org