Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 27 NG 30

Ang Mapagpakumbabang Tagapagligtas

Kung ikaw ang Diyos, matutukso ka kayang gumawa ng himala para sa sarili mo? Ako, oo. Kung naging ako si Jesus, sa halip na maglakad ng napakalayo, sasabihin ko na lamang, "Pupunta ako roon," at ako ay naroroon na.

Gayundin, hindi ko kakainin ang pagkain ni Jesus noong kapanahunan Niya. Tutal, nalalaman ng Diyos ang mga bagay bago pa ito mangyari. Batid Niya ang kinabukasan. Kung ganoon, alam Niyang ang In-N-Out Burger ay maitatayo. Batid Niyang lahat ng mga masarap na pagkaing kinakain natin ngayon ay maiimbento. Kaya hahayaan kong mangisda ang mga alagad habang kumakain ako sa In-N-Out.

Ngunit walang ganyang ginawa si Jesus. Kahit na noong halos mamatay na Siya sa gutom habang tinutukso Siya sa ilang, hindi Niya ginawang tinapay ang bato pagkatapos na imungkahi ito sa Kanya ng diablo. Sumagot Siya, "Nasusulat, 'Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay,'" (Lucas 4:4).

Laging iniisip ni Jesus ang ibang tao. Kaya anong sinasabi tungkol sa Kanya nang sinabi Niya ang mga salitang ito mula sa krus, "Nauuhaw Ako" (Juan 19:28)? Ang Manlilikha ng sanlibutan ang nagsasabi nito, "Nauuhaw Ako." Palagay mo ba ay malulutas ni Jesus ang sarili Niyang problema? Palagay mo ba ay kaya Niyang makalikha ng tubig sa pamamagitan ng pagsasalita lamang? Oo. Maaaring palitawin ni Jesus ang Niagara Falls sa harapan Niya kung ito ay Kanyang ninais. Ngunit sa halip ay sinabi Niya, "Nauuhaw Ako."

Ipinaaalala nito sa atin na bagaman si Jesu-Cristo ay ganap na Diyos, Siya ay ganap na tao rin. Kahit isang sandali ay hindi Niya isinuko ang Kanyang pagiging Diyos, bagaman hindi Niya laging ginagamit ang kakayahan Niyang makagawa ng himala ayon sa Kanyang kagustuhan. Tinakpan Niya ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay nanatiling Diyos. Kaya ang Kanyang kamatayan, at tanging ang Kanyang kamatayan lamang, ang sasapat upang matugunan ang makatuwirang hinihingi ng Ama.

Buod na pangungusap: Hindi kailanman isinuko ni Jesus ang Kanyang pagiging Diyos subalit nanatili Siyang mapagpakumbaba!

Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org