Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 24 NG 30

Pagtatanong ng Bakit

Kamakailan, isang babaeng nawalan ng anak ang nagsabi, "Greg, ang tanging tanong ko lang ay, 'Bakit? Bakit?' " Pagkatapos ay sinabi niya, "Mali bang magtanong ng bakit?

Sabi ko sa kanya, "Palagay ko naman hindi mali iyon. Maaari kang magtanong ng bakit hanggang gusto mo. Tinanong iyan ni Jesus: 'Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?' " Idinugtong ko ang, "Huwag kang umasang palaging may kasagutan ito. At kahit na magbigay ng kasagutan ang Diyos, hindi ko alam kung ito ay magugustuhan mo."

Bakit? Bakit? Paano kung sagutin nga ng Diyos ang katanungang iyan? Nangyari ito kay Habakuk. Tinatanong niya ang Diyos kung bakit ang ilang mga bagay ay nangyayari. Hindi niya ito maunawaan, kaya't sinabi ng Diyos, "Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyo at mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita. Hindi magtatagal at mayroon akong gagawing hindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo." (Habakuk 1:5).

Naisagot ni Habakuk, "Subukan mo ako."

At nang sinabi sa kanya ng Diyos kung bakit, hindi nagustuhan ni Habakuk ang sagot ng Diyos. Hindi siya sumang-ayon dito.

Maaaring sabihin sa atin ng Diyos kung bakit. Ngunit hindi natin ito mauunawaan hangga't hindi pa tayo nakakarating sa langit at nakikita ang tunay na diwa ng mga bagay.

Kaya't siguro kaysa magtanong ng bakit, ang mas mainam na tanong ay, "Ano?" sa diwa ng, "Ano ang gusto Mong gawin ko?"

Ang nais ng Diyos ay ang tumawag ka sa Kanya. Kapag may mga taong lumalapit sa akin at sila ay nagdurusa, kapag humihingi sila ng mga kasagutan, sinasabi ko sa kanila, "Wala akong kasagutan. Ngunit ito ang alam ko: Bumaling sa Diyos. Sumandal kay Jesus. Kumapit sa Kanya. Manalangin."

Isang araw, ang mga bakit ay masasagot. Hanggang sa araw na iyon, ang lahat ay tungkol sa kanino at ano. Ito ay tungkol sa kung kanino tayo bumaling at kung ano ang ating ginagawa. Kaya kapag may trahedyang nangyayari, huwag tumakbong palayo sa Diyos; bumaling sa Kanya.

Buod na pangungusap: Kapag may mga nangyayaring trahedya, huwag tumakbong palayo sa Diyos; bumaling sa Kanya.


Copyright © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.

Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org