Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 25 NG 30

Mga Huling Salita

May nabasa ako tungkol sa Metropolitan Opera tenor na si Richard Versailles, na umakyat sa hagdan sa isang pagtatanghal habang umaawit ng, "Nakakapanghinayang na hanggang diyan lamang ang buhay mo." Noon din ay inatake siya sa puso at namatay. Hindi inaasahang iyon ang kanyang naging mga huling salita.

Isang araw, lahat tayo'y magbibigay ng ating mga huling salita, ang ating huling habilin at testamento. Maaring alam mong naghahabilin ka na, o maaring hindi mo alam na iyon na ang huli. Ano kaya ang magiging mga huling salita mo? Paano mo susumahin ang buhay mo?

Maaaring namumuhay kang binabagabag ng iyong budhi ngayon. Maaaring ang bigat ng iyong mga kasalanan ay pinapasan mo na tila isang toneladang bato. Maaaring may ginawa ka kamakailan at ngayon ay napapagtanto mo kung gaano kasama iyon. Maaaring ito ay isang bagay na ginawa mo ilang taon nang nakalilipas. Anuman ito, namumuhay kang binabagabag ng iyong budhi at hindi mo alam paano makakawala rito. Kaya't ano ang gagawin mo?

Ang pagkabagabag ng budhi ay isang sintomas ng kasalanan. Walang magagawa ang paggamot lamang sa sintomas. Pumunta ka sa ugat. Kailangan mo ang kapatawaran. Isa lamang ang paraan na mapatawad ang iyong mga kasalanan, at ito'y mula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kaya kung sasabihin mo sa Kanya ang, "Panginoon, pinagsisisihan ko ang aking kasalanan. Patawarin Mo ako," patatawarin ka Niya. Ang tanging kasalanang hindi patatawarin ng Diyos ay ang kasalanang hindi natin aaminin. Sinasabi ng Biblia na "kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan" (1 Juan 1:9).

Kung pinatawad Niya ang mga taong nagpako sa Kanya sa krus, tiyak na patatawarin ka Niya sa anumang kasalanang iyong nagawa. Gaano man kasama ito, gaano man ito kahirap unawain, patatawarin Niya.

Buod na pangungusap: Pinatatawad ako ng Diyos at kaya ko ring patawarin ang iba!


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org