Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 28 NG 30

Huwag Mong Sayangin ang Iyong Pagdurusa

Mahalagang isaalang-alang ang pagdurusa na nararamdaman ng ibang tao, dahil darating ang pagdurusa sa buhay natin. Marahil ay nais mo ng isang buhay na walang pagdurusa. Mahirap sa aking sabihin ito sa iyo, ngunit hindi iyan mangyayari.

Para sa akin, sinisikap kong iwasan ang pagdurusa. Kapag masakit ang ulo ko, ang una kong ginagawa ay maghanap ng Tylenol, dahil gusto kong mawala ang sakit ng ulo ko. Kapag ako ay nasa dentista at nagkamali ng puwesto ang barena, ipinaaalam ko agad ito, dahil gusto kong mawala ang sakit. At kapag ang pagdurusa ay dumarating sa buhay natin, ito rin ang gusto nating gawin. Gusto nating patigilin ang sakit. Ngunit hindi natin kayang kontrolin iyan. Ang pagdurusa ay darating sa ating buhay. Ang paghihirap ay darating sa ating buhay.

Marami sa atin ay maaaring makaranas pa ng trahedya. Panahon lamang ang makapagsasabi. Ang mga lolo't lola natin ay papanaw. Ang mga magulang natin ay papanaw. Maaaring may taong malapit sa atin na hindi-inaasahang pumanaw. May taong pinahahalagahan natin na maaaring magkaroon ng malubhang karamdaman. Tayo mismo ay maaaring magkasakit. O maaaring may mangyaring hindi natin maunawaan. Ang pagdurusa ay darating. At hindi mo alam kung kailan ito darating.

Hindi mo mapipigilan ang pagdating ng pagdurusa, ngunit maaari kang magpasya kung ano ang gagawin mo sa pagdurusa na darating sa iyo. Hindi mo ito mapapaalis, ngunit maaari mo itong pakinabangan. Narito ang pinapaganang prinsipyo: Huwag mong sayangin ang pagdurusa mo. Una kong narinig ang pahayag na ito sa isang mag-asawang namatayan ng anak. Matagal kaming nag-usap, at pagkatapos ay sinabi nila sa akin ang, "Greg, ayaw naming sayangin ang aming pagdurusa."

Tumatak sa isipan ko iyon. Naisip ko, Wow. Isang napakagaling na pananaw ito. Iyon ang tamang pananaw na dapat magkaroon tayo, dahil makakaranas tayo ng pagdurusa. Kaya huwag mong sayangin ang iyong pagdurusa.

Buod na Pangungusap: Huwag mong sayangin ang pagdurusa ko, Diyos ko!


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.

Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org