Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Hayaang Pumili ang Diyos
Ilang taon na ang nakakalipas, bumisita ako sa isang tahanan sa Pilipinas kung saan nagtipon ang isang grupo ng mga Cristiano. Sinabi nila sa akin na gusto raw nila akong hainan ng isang pagkaing partikular roon, at pagkatapos ay naglabas sila ng isang itlog--itlog ng pato. Ang sabi nila, "Ito ang balut, at mahilig kami diyan dito sa Pilipinas." Kaya't binuksan nila ang itlog.
Nang matanggal na ang balat, may bahagya nang buo na pato. Nakikita ko ang ulo at ang tuka nito. Nakikita ko ang mga pakpak. At pagkatapos ay may kulay-kapeng sabaw ito. Ang sabi nila, "Greg, ang una mong gagawin ay higupin ang sabaw, at pagkatapos ay kainin mo ang pato.... Ngayon, kailangan mong kumain ng isa."
"Hindi ko yata kayang gawin iyan," ang sabi ko.
May bumulong sa tainga ko, "Kapag hindi mo kinain iyan, baka masaktan sila."
"Kapag kinain ko iyan at isinuka, baka mas lalo silang masaktan," ang pabalik kong bulong.
Hindi ko ito kinain.
Sa krus, kinuha ni Jesus ang kopang ibinigay ng Kanyang Ama, at ininom Niyang lahat ito. Bago pa lamang iyon ay nanalangin na Siya, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.” (Mateo 26:39).
Dito ay binigyan tayo ni Jesus ng halimbawa kung ano ang ating gagawin sa mga panahon ng walang-katiyakan, sa mga panahong hindi natin maunawaan (at maaaring hindi tayo sumasang-ayon sa Diyos tungkol sa) kung ano ang dumating sa atin. Dalawang bagay ang maaari nating hingin sa Diyos: na ilayo Niya ang bagay na ito sa atin o bigyan ng kalakasan upang malampasan ito.
Ang sabi ni D.L. Moody, "Ilatag ang inyong kahilingan sa harap ng Diyos at pagkatapos ay sabihin, 'Ang kalooban Ninyo, hindi po ang akin, ang mangyari.' Ang pinakamatamis na aral na natutunan ko sa paaralan ng Diyos ay ang hayaan ang Panginoon na pumili para sa akin."
Alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa.
Buod na Pangungusap: Sa panahon ng walang-katiyakan, hayaan ang Diyos na pumili para sa iyo!
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
