Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Mga Patagong Cristiano
Nasubukan mo na bang maging isang patagong Cristiano? Iyan ang nangyari kay Pedro. Sinubukan niyang makibagay sa iba. Sinundan niya sa Jesus nang may kalayuan at nanlamig, kaya't naakit siya sa init ng apoy ng kaaway.
Sa puntong ito, si Pedro ay lupaypay, bagsak na, nanghihina, at marupok. Bakit nga ba siya nasa bakuran ng pinakapunong pari? Ayon sa Mateo 26:58, "pumasok siya sa bakuran at naupo sa patyo kasama ng mga bantay. Nais niyang makita kung ano ang mangyayari." Nakalimutan ni Pedro ang lahat ng sinabi ni Jesus tungkol sa Kanyang muling pagkabuhay mula sa kamatayan. Ngayon ay hinihintay na lamang niya ang katapusan--ang katapusan ng buhay ni Jesus . . . ang katapusan ng kanyang pangarap . . . ang katapusan ng lahat ng mahalaga sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang katapusan. Ito ang magiging bagong simula.
Ito ang problema ni Pedro: siya ay nasa maling lugar kasama ang mga maling tao, na nakaumang nang gawin ang maling bagay. At kapag ang simbuyo ng damdamin sa ating puso ay nagsimula nang mamatay, ang alab na mayroon tayo para kay Cristo ay manlalamig, at hahanapin natin ang init sa ibang lugar.
Sinasabi sa atin ng Biblia,
Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi. Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay. Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama, ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay. (Mga Awit 1:1-3)
Kapag sumama ka sa mga maling tao sa maling lugar sa maling panahon, kaunting panahon lang ang lilipas at gagawa ka na rin ng maling bagay.
Buod na pangungusap: Ang pagsunod kay Cristo sa kalayuan ay maaaring maging dahilan upang maakit ka sa apoy ng kaaway.
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
