Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang Kasalanan ng Kawalan ng Pananalangin
Huwag nating kailanman kalimutan na ang panalangin ay hindi lamang para humiling, ngunit para rin sa proteksyon at sa preparasyon. Hindi lamang naipagkakaloob ang ninanais natin sa panalangin; naihahanda at napag-iingatan rin tayo nito sa mga bagay na ayaw natin.
Sa Hardin ng Getsemani, puno ng hapis si Jesus habang pinag-iisipan
ang mga nakapanlulumong daranasin sa krus. Ang tanging nais Niya ay ang naroroon at nananalangin ang mga alagad. Dahil Siya ay Diyos, batid Niya ang mangyayari. Batid Niya ang bawat detalye. Kaya't Siya ay nanalangin, "Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari" (Mateo 26:39).
Ang hinihingi lamang ni Jesus ay ang may makasama. Hindi Niya kailangan ng pangaral; ang kailangan Niya ay mga kaibigan. Ngunit ang Kanyang mga kaibigan ay natutulog. At iiyon ay isang direktang resulta ng kasalanang kumpiyansa sa sarili.
Ito ay maaaring totoo rin sa atin. Nananalangin tayo kapag palagay nating kailangan nating manalangin. Kapag may krisis na dumating, kapag may masamang balita mula sa doktor, kapag natanggal tayo sa trabaho, kapag may suliranin sa ating buhay may-asawa o suliranin sa ating mga anak, ano ang ating ginagawa? Nananalangin tayo. At ito ay mabuti. Ito ang nararapat nating gawin.
Ngunit paano kung ang lahat ay maayos? Kapag lahat ng bayarin ay nababayaran, kapag ang trabaho ay maganda, kapag walang anumang masamang balita mula sa anumang dako, nananalangin ka pa rin ba? Ito ba kaya ay dahil iniisip mong hindi na kailangan pa? Ito ba ay dahil sa kumpiyansa sa sarili?
Ang kabiguang manalangin ay maaaring maging isang kasalanan. Ang kasalanan ay hindi lamang ang pagsuway sa isang kautusan, bagaman kasama ito. Mayroon ding kasalanan ng pagkukulang. Sinasabi sa atin sa Santiago 4:17 na, "Ang nakakaalam na dapat niyang gawin ang mabuti ngunit hindi iyon ginagawa ay nagkakasala."
Buod na Pangungusap: Ang kapalaluan at kawalan ng pananalangin ay magkakasama.
Karapatang mailathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
