Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 13 NG 30

Ang Pagsunod Mula sa Malayo

Ang distansya mula sa Panginoon ang nasa kaibuturan ng bawat pagbagsak.

Halimbawa, maaari mong ipakita sa akin ang isang gumuguhong pagsasama ng mga mag-asawa at sabihin ang iba't-ibang dahilan nito, ngunit sasabihin ko sa iyo ang ugat ng pagguho nito. Ito ay nagsimula sa nasirang komunikasyon ng mag-asawa. May nangyari, at ang pagkakaibigang kinatatagan ng kanilang pagiging mag-asawa at masayang samahan na minsan nilang tinamasa ay hindi na gaya ng dati. At saka naman pumasok ang iba pang mga problema sa kanilang nalamatang pagsasama.

Maaaring ganito rin ang relasyon natin sa Diyos. Lumalayo tayo sa Diyos. Hindi na natin sinisimulan ang araw sa pag-aaral ng Biblia at pananalangin. Labis tayong abala sa ibang bagay, at pagkatapos ay dumarating ang iba pang mga problema. At makikita natin ang ating mga sarili na sumusunod na lamang mula sa malayo.

Iyan ang isa sa mga ginawa ni Pedro tungo sa kanyang pagkakaila sa Panginoon. Sinasabi sa atin ng Biblia na pagkatapos hulihin si Jesus, "Sumunod si Pedro, ngunit hindi gaanong lumalapit. Pagdating sa tahanan ng pinakapunong pari, pumasok siya sa bakuran at naupo sa patyo kasama ng mga bantay. Nais niyang makita kung ano ang mangyayari."(Mateo 26:58).

May mga taong tulad nito sa simbahan. Madalas silang huli kung dumating sa pagsamba at sila rin ang pinakaunang umaalis. Madalas silang nakaupo sa likuran. Gusto nilang mabuhay sa dalawang mundo, kaya't sumusunod sila mula sa malayo. Iyan ang nangyari kay Pedro.

Narinig ko ang kuwento ng isang batang lalaki na nahulog mula sa kama sa kalagitnaan ng gabi. Nang tanungin siya ng kanyang ina kung anong nangyari, sabi niya, "Umm, siguro masyado akong napalapit kung saan ako pumasok."

At iyan din ang dahilan kung bakit tayo napalayo sa Panginoon. Masyado tayong malapit sa lugar na ating pinasukan.

Buod na Pangungusap: Malapit ka ba o may kalayuan sa pagsunod mo kay Jesus?


Karapatang mailathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org