Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang Simula ng Pagtalikod
Isang maliit na hukbo ang nagmamartsa patungo kay Jesus. Dala ng madilim na pulutong na papalapit upang arestuhin Siya ang mga tabak at sibat, mga kalasag at sulo. Naglalagablab ang damdamin, nadadala ng mga manggugulo: Tara, dakpin natin Siya! Sino nga ulit ang ating dadakipin? Alam mo naman kung paano magisip ang mga manggugulo. Tila nagkakahawahan lamang sila ng damdamin; ni hindi nila alam kung ano ang kanilang ipinaglalaban. Natatangay lamang sila ng emosyon ng sandaling iyon.
Marahil iyon ang nangyayari habang ang magulong umpukan ay papalapit kay Jesus ng Nazaret, na wala namang nilabag na anuman nilang batas. At para ipakita na si Jesus ay hindi isang biktima na walang laban, kundi isang makapangyarihang matagumpay, Siya ay tumayo at sinabi ang, "Sino ang hinahanap ninyo?" (Juan 18.4).
"Si Jesus na taga-Nazaret," sabi nila sa Kanya.
Kaya sinabi Niya sa kanila, "Ako si Jesus." At sa mga salitang iyon, sinasabi sa atin sa Ebanghelyo ni Juan, silang mga taong nagsisiksikan ay "napaurong... at natumba." (b. 6). Nakapaglaro ka na ba ng domino? Parang ganoon siguro ang nangyari nang nagsitumbahan ang grupong iyon.
Magandang pagkakataon sana ito para kay Judas upang baguhin ang kanyang pasya na ipagkanulo si Jesus. Ngunit sadyang hindi na makapaghihintay si Judas na isakatuparan ang kanyang nais gawin. At bulag niyang tatahakin ang kanyang daan patungo sa impiyerno.
Nakakita na ako ng mga taong nakapangangatwiran na nakagawa ng mga ni hindi sumayad sa isip mong magawa nila habang nasa kapangyarihan ng kasalanan. Si Solomon, na kilala sa kanyang karunungan, ay harapan at tahasang nagkasala sa Diyos. Kaya't kailangan nating maging maingat. Akala natin ay kaya nating salagin ang kasalanan. Sinasabi natin, "Ah, hindi ito magiging problema sa akin. Napakalakas ko." Pero iyan ang simula ng pagtataksil sa Diyos.
Buod na pangungusap: Ang sobrang tiwala sa sarili ay maaaring magdala sa pagtataksil sa Diyos.
Karapatang Maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
