Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 11 NG 30

Ang Kalakasang Hindi Nabantayan

Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. (Mga Kawikaan 16:18)

Huwag na huwag mong sasabihing, "Hindi ko kailanman gagawin. . . ," sapagkat ang katotohanan ay kayang-kaya mong gawin iyon at ang higit pa.

Ang unang hakbang na humantong sa pagkakaila ni Pedro sa Panginoon ay ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Sinabi niya kay Jesus, "Kahit na po kayo iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan." (Mateo 26:33). Ang nag-udyok kay Pedro na sabihin ito ay ang pagsisiwalat na taksil si Judas Iscariote. Ang talagang ibig ihayag ni Pedro ay, "Tingnan ninyo, hindi ko alam kina Santiago at Juan, ang tinatawag na mga Anak ng Kulog. At hindi rin ako nakakasiguro kina Mateo at sa iba pa riyan. Ngunit sasabihin ko ito sa Iyo: Hinding-hindi Kita bibiguin." Iyon ay kapalaluan, at sinasabi sa Kawikaan 16:18 na, "Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak."

Maaari nating sabihin na,"Hindi ako kailanman babagsak sa aspetong ito." Ngunit mag-ingat tayo. Iyan ang mismong aspetong maaaring ikabagsak natin.

Maaari mong sabihin ang, "Ay, hinding-hindi ko gagawin iyan. Hinding-hindi, kahit sa isang milyong taon ko magagawa ang kasalanang iyan. Malakas talaga ako sa aspetong iyan. Alam mo, dito sa bandang ito baka mas mahina ako. Ngunit sa isang aspetong ito, hinding-hindi ako babagsak." Talaga? Hindi mo ba alam kung gaano kasama ang puso mo? Hindi mo ba alam na lahat tayo ay may kalikasang gumawa ng maling bagay? Katulad ng sinasabi sa awiting Come Thou Fount,

O to grace how great a debtor
Daily I'm constrained to be!
Let they goodness like a fetter
Bind my wand'ring heart to Thee:
Prone to wander--Lord, I feel it--
Prone to leave the God I love;
Here's my heart--O take a seal it,
Seal it for Thy courts above.

Buod na Pangungusap: Tandaan, ang kalakasang hindi nabantayan ay isang dobleng kahinaan.


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org