Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 8 NG 30

Hindi ang Pain, Kundi ang Pagkagat

Ang katanungan na lumilitaw ay kung si Judas Iscariote ba ay naging kasangkapan lamang. Ang ginawa niya ang siyang naging dahilan ng kamatayan ni Jesus, na nagdala ng kaligtasan ng sangkatauhan, hindi ba? Oo, pero pag-isipan natin ito: dahil lamang sa naging mabuti ang kinalabasan ng kanyang pagkakanulo kay Jesus, hindi ito nagbibigay-katuwiran sa kanyang ginawa.

Sa krus, dalawang pwersa, wika nga, ang kumikilos. Ang Diyos Ama at ang diyablo ay parehong kumikilos tungo sa iisang pangyayari: ang kamatayan ni Jesu-Cristo. Gusto ng diyablo patahimikin at patigilin si Jesus. Gusto niyang tumigil at huwag nang magpatuloy si Jesus. Sa kabilang banda, ang layunin ng Diyos Ama ay mabayaran ni Jesus ang ating mga kasalanan. Kaya't ang kanilang mga layunin ay lubos na magkaiba, ngunit, pareho silang tungo sa iisang pangyayari.

Ngunit ito ang kailangan nating isaalang-alang: Ang ginawa ni Judas ay ang trabaho ng diyablo. Mahalaga ring malaman na siya ang nagpasimula ng pagkakanulo kay Cristo (tingnan ang Mateo 26:14). Si Judas ang nagpasimula nito. Si Judas ang nagsimulang kumilos patungo rito. Walang pumilit sa kanyang gawin iyon. Si Judas ang may pananagutan sa mga pagpapasyang kanyang ginawa.

Ang mga sumunod na pangyayari ay ginamit para sa kaluwalhatian ng Diyos, ngunit tiyak na hindi ito ang pakay ng diyablo. Si Judas ay hindi biktima ng pagkakataon o isang walang-alam na kasangkapan ng tadhana. Siya mismo ang gumawa ng pagpiling ito. Oo, ang diyablo ay dumating upang maglagay ng kaisipan sa utak ni Judas upang ipagkanulo niya si Cristo. Nabasa natin sa Juan 13:2 na "nilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkakanulo niya si Jesus sa mga Judio." Maaari namang labanan ni Judas ang tukso, na tulad nating lahat na maaaring labanan ang tukso. Ang katotohanan ay nakakita ng nakahandang pumayag na kasangkapan ang diyablo kay Judas. Kinagat ni Judas ang pain, kusang itrinabaho, at ipinagkanulo ang Panginoon.

Tandaan, hindi ang pain ang bumubuo ng tukso. Ito ay ang pagkagat.

Buod na Pangungusap: Kinagat ni Judas ang pain ng tukso, ngunit maaari sana niya itong labanan-- ikaw kaya?


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.

Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org