Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Bakit Mabuti ang Budhi
Hindi ka kailanman titigil na magkasala hangga't ikaw ay humihinga. Kahit ikaw ay Cristiano, magkakasala ka. Ngunit may pagkakaiba ang pagkakasala at pamumuhay sa kalakarang makasalanan. At kung ikaw ay tunay na Cristiano, hindi ka mabubuhay sa kalakaran ng kasalanan.
Sabi nga sa 1 Juan 3, "Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala." (b. 9).
Kung ikaw, bilang isang Cristiano, ay magsimulang kumilos sa maling direksiyon at mag-iisip ng paggawa ng isang bagay na makasalanan, madadama mo ang pag-uusig ng Espiritu Santo. Ang namamalayan mo na ito ay mali at hindi mo dapat gawin ay isang mabuting senyales. At kapag nagawa mo pa rin ang isang bagay na alam mong mali at nakakaramdam ka ng matinding pagsisisi, iyan din, ay isang mabuting senyales. Nangangahulugan itong ang alarma sa iyong budhi ay gumagana.
Para itong isang smoke alarm na nagbababala kung may panganib o kaya na kailangan nang palitan ang baterya.
Ganito gumagana ang ating budhi. Sinasabi nito na ang ginagawa natin ay mali.
Ang sandali na dapat mong ikabahala ay kapag naiisipan mong gumawa ng kasalanan nang walang pagkabagabag at kung kinakaya mong ipagpapatuloy ang kasalanan nang walang nararamdaman na pagsisisi. Ibig sabihin nito ay hindi gumagana ang iyong alarma o kusa mong pinatay, o baka wala ka na nito.
Maaaring naramdaman mo ang kamay ng disiplina ng Diyos sa buhay mo. Maaaring nababatid mong ikaw ay nagkasala o kaya nababagabag ang iyong budhi. Magalak! Nangangahulugang ang budhi mo ay gumagana. Kung supilin ka ng Diyos kapag ikaw ay naliligaw, ito nga ay isang tanda na ikaw ay Kanyang anak.
Buod na Pangungusap: Ang budhi mo ay parang isang smoke alarm na nagbababala kung may panganib.
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mag One-on-One with God

Sa Paghihirap…

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos
