Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Makinig Mabuti
Ang mga nag-iisip na ang simpleng pagpunta sa simbahan at pagsunod sa mga rituwal ay maglalapit sa kanila sa Diyos ay magugulat. Dahil pinakamadaling pangyarihan ng pinatigas na puso ang simbahan. Katulad ng sinabi ko na dati, ang araw na nagpapalambot sa wax ay siya ring nagpapatigas sa putik-luad.
Habang ang Salita ng Diyos ay ikinakalat, ang ibang tao ay naaapektuhan nito, ang iba ay binabago nito, at ang iba ay pinatitigas nito, dahil wala silang balak na paniwalaan ito. Ang patuloy na pagharap sa Salita ng Diyos ay mas nakakasama kaysa nakakabuti. At sa mismong lugar kung saan sila maaaring mabago, magiging mas malala pa sila kaysa dati.
Sinabi ko bang huwag nang pumupunta sa simbahan ang iba? Oo. . . kung wala naman silang balak na isabuhay ang kanilang naririnig. Maaari tayong makakita ng mga himala at makarinig ng katotohanan, ngunit kung wala tayong pagnanais na isabuhay ito, ang ating mga puso ay tumitigas.
Ang isang taong may dobleng pamumuhay tulad ni Judas Iscariote ay makakaranas ng patuloy na pagtigas ng puso. Si Judas ay lumakad at nakipag-usap kay Jesus sa loob ng tatlo at kalahating taon. Ang Panginoon mismo ang pumili sa kanya. Narinig niyang ibinigkas ni Cristo ang pinakadakilang Niyang mga pangaral. Narinig ng mga tainga ni Judas ang Sermon sa Bundok at ang Diskurso sa Bundok ng mga Olibo. Nakita niya nang muling binuhay si Lazaro. Nakita niya ang mga bulag na binigyan ng paningin. Nakita niya ang mga bingi na binigyan ng pandinig. Nakita ni Judas ang sunod-sunod na himala, subalit lalong tumigas ang kanyang puso.
At kahit batid na ni Jesus ang mangyayari, si Judas, sa sarili niyang pagpili, ay kusang ipinagkanulo ang Panginoon, na nagpapaalala sa atin na ang paunang kaalaman na mayroon ang Diyos ay hindi binabago ang pananagutan ng tao.
Kaya ang sagot ay hindi ang pagtigil sa pagpunta sa simbahan; ang sagot ay ang pumunta nang may pagnanais na makilala ang Diyos.
Buod na Pangungusap: Pumupunta ka ba sa simbahan para marinig ang katotohanan?
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
