Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang mga Panalangin ni Jesus
Subukang ilarawan na gumugugol ka ng oras kasama si Jesus at bigla Niyang sabihin sa iyo ang, "Siyanga pala, may hiling ang diyablo patungkol sa iyo mismo."
"Ang diyablo? Ang ibig mong sabihin... Si Lucifer mismo?"
"Oo. Tama ka."
Iyan ang nangyari kay Pedro. Siya at ang ibang mga alagad ay katatapos pa lamang magdiwang ng Huling Hapunan kasama ni Jesus nang inilahad Niya ang pahayag na ito sa kanila: “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’ Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea." Mateo 26:31-32).
Ngunit sumagot si Pedro, "Kahit na po kayo iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan." (v.33).
Ang sabi naman ni Jesus sa madaling salita ay, "Nabanggit mo na rin lang, Bato, may sasabihin rin ako sa iyo. Bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo Ako. At makinig ka sa sasabihin ko, Pedro: Labis-labis ang paghiling ni Satanas na alisin ka sa pag-iingat at pagtatanggol ng Diyos."
Ang mabuting balita ay ipinapanalangin ni Jesus si Pedro. At si Jesus ay nananalangin para sa iyo. Sabi sa Roma 8:34, "Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin." Si Jesus ay kakampi mo. Siya ay namamagitan para sa iyo.
Sabi ng komentarista ng Biblia na si Robert Murray McCheyne, "Kung aking maririnig si Jesus na nananalangin para sa akin sa katabing silid, hindi ako matatakot kahit sa isang milyong kaaway. Ngunit walang kaso ang distansya. Nananalangin Siya para sa akin."
Kung hindi dahil sa mga panalangin ni Jesus, tiyak akong matatalo. Ikaw rin.
Buod na pangungusap: Si Jesus ay nananalangin para sa iyo ngayon mismo!
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved. Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
