Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Sa Kanyang mga Mata
Kung mayroon kang paunang kaalaman at nagpasya kang tumaya sa kabayo sa isang karera, tataya ka ba sa talunan o sa panalo?
Kung minsan, tinitingnan natin ang ating mga buhay at nagtataka tayo, bakit pipili ang Diyos ng isang talunan? Ngunit ito ang dapat nating mapagtanto. Hindi lamang ang iyong kahinaan ang nakikita ng Diyos. Nakikita Niya kung anong maaari kang maging.
Hindi ko alam kung ano ang kalagayan mo ngayon. Maaring pakiramdam mo ay talunan ka sa larangang espirituwal. Maaring bigo ka sa ilang kalakaran, kaparaanan o kaugalian. Maaring nagkaroon ka ng moral na pagbagsak sa iyong buhay na ngayon pa lamang nabunyag, at hinaharap mo ang kapinsalaang dulot nito. O maaring hindi pa ito nabubunyag, ngunit ikaw ay may mga ginagawang hindi mo dapat ginagawa.
Siguro may mga panahong nagtataka ka kung bakit tinawag ka ng Diyos na sumunod sa Kanya. Ang Diyos ay may paunang kaalaman. Alam Niya ang mangyayari bago pa ito mangyari. Kung ganito, bakit pipili ang Diyos ng isang katulad mo o katulad ko?
Natatandaan ko isang araw nang magkasama kami ng apo kong si Stella, at pinag-aaralan niya ang aking mukha at nakatingin siya sa aking mga mata. Pagkatapos ay lalo pa siyang lumapit at idinikit ang ilong niya sa ilong ko, at sinabi, "Papa, nakikita ko ang sarili ko sa iyong mga mata."
Sabi ko, "Ano?"
Sabi niya, "Nakikita ko ang sarili ko sa iyong mga mata."
At tiningnan ko ang maliliit na mata niyang asul-berde at naunawaan kong ang nakikita niya ay ang kanyang aninag sa aking mga mata. Kaya't sinabi ko, "Stella, lagi kang nasa mga mata ko--at sa puso ko rin."
Kapag tumingin ka nang mabuti--at kailangang malapit na malapit ka--makikita mo ang sarili mo sa mga mata ng Diyos. Makikita mo na minamahal ka Niya at nagmamalasakit Siya sa iyo. At nakikita Niya kung anong maaari kang maging.
Buod na Pangungusap: Nakikita ng Diyos kung anong maaari kang maging!
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
