Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 3 NG 30

Tuloy sa Pag-abante!

Kapag naririnig natin ang salitang "backslider" iniisip natin ang isang tao na tuluyang nang iniwan ang pananampalataya at tumalikod sa Diyos. At totoo na ang taong gumagawa nito ay maituturing na backslider. Ngunit mayroon ring mga tao na tumatalikod sa Diyos nang hindi nila namamalayan ito.

Walang sinuman ang nagpaplano na tumalikod sa pananampalataya. Hindi ka tatawag sa kaibigang Cristiano para sabihing, "Uy, gusto mo bang tumalikod sa pananampalataya ngayong gabi? Sunduin kita nang 7:00. Ano sa palagay mo?" Hindi, hindi iyan ang nangyayari. Ang pagtalikod sa pananampalataya ay nangyayari nang hindi mo namamalayan, at madalas ay dahan-dahan. Sa katunayan, maaaring halos hindi naaninaw ito na hindi mo alam na nangyayari na pala ito. Ang Biblia ay nagbababala tungkol rito at sinasabi sa atin na ang isa sa mga senyales ng mga huling araw ay ang pag-iwan ng ilan sa pananampalataya (tingnan ang 1 Timoteo 4:1).

Ang sabi ng Diyos kapag tayo ay tumalikod, dapat tayong manumbalik sa Kanya (tingnan ang Jeremias 3:22) At sinabi ni Jesus sa iglesia ng Efeso, "Alalahanin mo ang dati mong kalagayan" (Pahayag 2:5).

Ikaw ba ay nasa pagkabagsak ngayon? Nasa daan ka ba ng pagtalikod? Ikaw ay maaari lamang umabante patungo kay Cristo, o umatras. Ikaw ay maaari lamang sumulong o umurong. At sa sandaling ilagay mo ang iyong paglalakbay kay Cristo sa saloobing walang pinapanigan, makikita mo ang sarili mong tumutungo sa maling direksiyon.

May nabasa akong karatula sa dulo ng runway na nagsasabing, "Patuloy na umabante. Kapag huminto ka, ikaw ay mapapahamak at magiging kapahamakan rin sa ibang mga lumilipad." Ganoon din ang babalang naaayon sa buhay Cristiano: Patuloy na umabante. Kapag huminto ka, ikaw ay mapapahamak at magiging kapahamakan sa iba.
Kaya huwag makampante sa iyong tagumpay. Huwag mabuhay sa nakaraan. Kailangan nating patuloy na lumalago bilang mga tagasunod ni Jesus.
Buod na pangungusap: Kailangan nating patuloy na lumalago bilang mga tagasunod ni Jesus.

Karapatang Maglathala© 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org