Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 2 NG 30

Mababaw na Pagsisisi o Pagsisising Naghahatid ng Pagbabago?

May pagkakaiba ang mababaw na pagsisisi at pagsisising naghahatid ng pagbabago. Ang mababaw na pagsisisi ay pagsisising dahil nahuli ka. Halimbawa, kung nagnakaw ka sa bangko, sandaling nakatakas, pagkatapos ay nahuli ka, ikaw ay may mababaw na pagsisisi. Bakit? Dahil nahuli ka.

O kaya, nagmamaneho ka sa highway at sinita ka ng pulis-hagad, may mababaw na pagsisisi ka. Bakit? Dahil nahuli ka, hindi dahil nilabag mo ang speed limit. Hindi pagsisising naghahatid ng pagbabago iyon, kung hindi mababaw na pagsisisi. Ang pagsisising naghahatid ng pagbabago ay ang mabagabag nang husto sa iyong maling gawain at ang baguhin ang iyong asal.

Si Judas Iscariote ay may mababaw na pagsisisi sa kanyang pagkakanulo kay Jesus. Alam niyang inosente si Jesus. Alam niyang mali ang kanyang ginawa. At kung siya ay may pagsisising naghahatid ng pagbabago sana'y bumaling siya kay Jesus. Sa halip, pumunta siya sa mga pinuno ng relihiyon.

At ano ang nagawa noon para sa kanya? Sabi nila, "Alam mo ba? Ano ngayon sa amin yan? Problema mo iyan. Nagampanan mo na ang papel mo. Lumayas ka dito." Napakatipikal sa mundong ito. Nangangako ng kalayaan, ngunit pagkaalipin ang hatid. Nangangako ng kasiyahan, ngunit pang-uusig ang dulot. Sa halip na kaligayahan, kalungkutan ang dala nito. Sa halip na kaluguran, sakit ang dulot. Walang ibang kaibigan si Judas sa mundo maliban kay Jesus, at ipinagkanulo niya ito. Kung kaya't bumaling siya sa relihiyon, at walang maialok sa kanya ang relihiyon. Ang kailangan niya ay si Cristo.

Ang relihiyon ay parang paglalagay ng Band-Aid samantalang kailangan mo ng operasyon sa puso. Hindi natin kailangan ng kaunting relihiyon, dahil ang kaunting relihiyon --o kahit marami pa nito--ay hindi makatutulong sa atin. Lubos na kailangan natin si Jesus.

Saan ka dadalhin ng pang-uusig ng damdamin mo? Kung ikaw ay inuusig ng iyong kasalanan, dito mo kailangang pumunta: kay Cristo. Diyan mo lamang kailangang pumunta.

Buod na pangungusap: Alam mo ba ang pagkakaiba ng kalungkutang buhat sa Diyos at mababaw na pagsisisi?


Karapatang Maglathala© 2012 by Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org