Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 103:15-17

Mga Awit 103:15-17 RTPV05

Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.