Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Nang Mamatay ang Kamatayan
Ang kahuli-hulihang kaaway na lulupigin ay ang kamatayan. (1 Mga Taga-Corinto 15:26)
Si Steve Jobs, sa isang talumpati ng pagtatapos sa Stanford University noong 2005, ay may sinabing ganito tungkol sa kamatayan:
Walang gustong mamatay. Maging ang mga taong gustong pumunta sa langit ay ayaw mamatay upang makarating doon. Ngunit kamatayan ang patutunguhan nating lahat. Wala pang nakatakas mula rito. At iyan naman talaga ang dapat mangyari, sapagkat Kamatayan ang malamang na nag-iisang pinakamainam na imbensyon ng Buhay. Ito ang nagdadala ng pagbabago sa Buhay. Inaalis nito ang luma upang mabigyang-daan ang bago. Sa ngayon ang bago ay ikaw, subalit darating ang panahon, unti-unting ikaw ang magiging luma at mawawala na rin. Pasensya na kung masyadong ma-drama ito, ngunit ito ang totoo.
May halong katotohanan ang sinabi ni Jobs. Tama siya nang sinabi niyang ang kamatayan ang pupuntahan nating lahat, at wala pang nakatakas dito. Gayunman, hindi ako sumasang-ayon sa kanyang sinabing "Kamatayan ang malamang na nag-iisang pinakamainam na imbensyon ng Buhay." Hindi ito ang nag-iisang pinakamainam na imbensyon ng Buhay. Sa totoo lamang, ito ang pinakamasama. Sinasabi pa nga sa atin ng Biblia na ang kamatayan ay hindi isang kaibigan. Ang kamatayan ay isang kaaway: "Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan." (1Corinto 15:26).
Ang kamatayan ay hindi kailanman bahagi ng orihinal na plano ng Diyos. Nang inilagay Niya sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden, sinabi Niya sa kanila na huwag lumapit sa Punongkahoy na Nagbibigay ng Kaalaman tungkol sa Mabuti at Masama. Ngunit noong sila ay kumain ng ipinagbabawal na bunga, ang kasalanan ay pumasok sa mundo. At kasama ng kasalanan ay dumating ang karamdaman at pagtanda at, siyempre, ang kamatayan. Subalit ang nawala sa Halamanan ay biniling muli sa krus ng Kalbaryo. Naparito si Jesus upang mamatay sa krus upang ibalik ang nawala. Ang kamatayan ay namatay nang si Jesus ay muling nabuhay.
Buod na Pangungusap: Kailangang mamatay ng kamatayan--ito ay hindi kailanman bahagi ng orihinal na plano ng Diyos!
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Malibang nakasaad, Ang original na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Nkjv samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng Rtpv05. Karapatang maglathala © 1982 ng Thomas Nelson, Inc. ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…
