Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang Kataka-taka Para Sa Akin
Nagtataka ako kung paanong tanggihan ng mga tao si Jesu-Cristo nang hindi man lamang gumugugol ng oras upang siyasatin ang Kanyang mga pahayag. Makipag-usap ka sa isang tao tungkol sa pananampalatayang Cristiano, at kung minsan ang sasabihin nila ay, "Alam mo, hindi para sa akin iyan. Hindi ako naniniwala diyan."
"Pero, nabasa mo na ba ang Biblia?
"Hindi pa."
"Alam mo, may dala akong ngayong Biblia. Gusto mong--"
"Ilayo mo iyan!"
Banggitin mo ang pangalan ni Jesus o ang katotohanang ikaw ay Cristiano, at bigla na lamang matatapos ang usapan.
Kamakailan, bumibisita ako sa isang lungsod para sa ilang mga pulong tungkol sa paghahanda para sa Harvest Crusade. Habang nagiikot-ikot ako, napagpasiyahan kong tumigil sa isang lugar upang kumain ng clam chowder. Ang lalaking kumuha ng aking order ay palakaibigan at madaldal, kaya habang kami ay nag-uusap, sinabi ko, "Uhm, puwede ko bang ilagay ang isa sa mga polyeto ko rito? Magdaraos kami ng kaganapan dito." Pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang polyeto para sa aming krusada.
Binasa niya ito at sinabi,"Sandali . . . sandali . . . isang Cristianong banda iyan."
Ang sabi ko, "Oo, isa ngang Cristianong banda iyan. Isang Cristianong kaganapan ang magaganap dito. Narito kami upang magsalita tungkol kay Jesu-Cristo at kung paano magkakaroon ng isang relasyon sa Kanya."
Ang lalaking ito ay bigla na lamang nabalisa. Nakinig lamang ako sa kanya. Hindi ko siya pinigilan. Hinayaan ko siyang magpatuloy nang ilang sandali habang sinasabi niya sa akin kung bakit hindi siya naniniwala sa Ebanghelyo, sa Biblia, at sa kung anu-ano pa. Pagkatapos ay tinanong ko siya kung anong pinaniniwalaan niya, at nag-usap pa ulit kami.
At ito ang nalaman ko. Ang mga Cristiano ay pinararatangang makitid ang pag-iisip, ngunit hindi naman talaga ito ang totoo. Sa halip, nalaman ko na ang mga taong may pinakamakitid na pag-iisip ay ang mga pinakamaraming sinasabi tungkol sa pagiging bukas ang isipan.
Buod na pangungusap: Nakita mo na ba na ang mga taong may pinakamakitid na pag-iisip ay ang mga pinakamaraming sinasabi tungkol sa pagiging bukas ang isipan?
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103
