Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Parating Pa Lamang ang Pinakamabuti
Maaaring nararamdaman mo minsan ang naramdaman ni Pedro. Sa pagsasalita bilang kinatawan ng mga alagad ni Cristo, sinabi niya, "Tinalikdan namin ang lahat para sumunod sa Iyo. Ano ang mapapala namin?" (Mateo 19:27).
Sumagot si Jesus, "Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na mauuna." (bersikulo 29-30).
Maaaring sabihin mo, "Alam mo, Greg, may mga iniwan na akong mga bagay upang sumunod kay Jesus. Kaya nasaan ang malaking balik nito?" Ito ay parating pa lamang.
Ito ang bagay na kailangan mong kilalanin. Anuman ang iniwan mo, hindi ba binigyan ka naman ng Diyos ng kapalit para dito? May iniwan kang ilang mga kaibigan. Hindi ba't binigyan ka Niya ng mas mabubuting mga kaibigan kapalit nila? May iniwan kang mga tinatawag mong mga kasiyahan. Ngunit kung ikaw ay magbabalik-tanaw, mapapagtanto mong hindi naman talaga sila mga kasiyahan, kundi mga adiksyon--at mapanira ang mga iyon. Nakita mo kung paanong nabago ang buhay mo, at may ipinalit na sa mga ito ang Diyos.
Gayunman, ang pinakamabuti para sa iyo ay parating pa lamang. Sapagkat kapag tayo ay pumunta sa langit, may mga gantimpalang naghihintay sa atin. At pagkatapos ay bababa ang langit dito sa lupa, at magkakaroon tayo ng paghahari ni Cristo ng sanlibong taon. At sa katapusan, mararanasan natin ang pamamahala at paghahari ni Cristo sa lupa sa bagong kaharian, at magiging bahagi tayo noon. Kasama Niya tayong mamamahala at maghahari sa panahon na iyon. At ang sinabi ng Panginoon bilang tugon sa katanungan ni Pedro ay magaganap.
Kaya't anuman ang iyong iniwan--o anuman ang iyong iniiwan--ay mapapalitan nang higit pa sa nawala sa iyo.
Buod na Pangungusap: Anuman ang iyong iniwan, ay mapapalitan nang higit pa sa pamamagitan ni Cristo.
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…
