Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 18 NG 30

Mas Mahalaga Kaysa sa Diyos?

Kung nakapagtanim ka na ng binhi at nakita mong may mga tumutubong mapanirang damo sa paligid nito, alam mo rin na ang mga mapanirang damo ay hindi bigla nalang lumalabas mula sa lupa at marahas na yayanigin ang halaman. Ito ay isang unti-unting proseso--at dahil ito ay unti-unti hindi mo makikita ang nangyayari kahit panoorin mo ito. Ngunit kung maglalagay ka ng kamera sa tabi ng halaman at ilagay ito sa time-lapse, makikita mo ang pagkilos ng mapanirang damo, na unti-unting sinasakal ang halaman.

Nagsalaysay si Jesus ng talinghaga tungkol sa mga binhing nahulog sa iba't-ibang uri ng lupa. Ang butong nahulog sa lupang may mga mapanirang damo ay nasakal habang ito ay lumalago. Ipinaliwanag ni Jesus, "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon." (Mateo 13:22).

May mga taong tumatanggi kay Cristo nang walang mabuting paliwanag--puro mga pagdadahilan lamang. Para sa ilan, ito ay maaaring pagkabahala sa kanilang karera. Kailangan nilang kumita. May mga responsibilidad sila. May mga kailangan silang gawin. At kung minsan, ang mga bagay na iyon ay higit na mahalaga sa kanila kaysa sa Diyos.

Ang iba ay pipillin ang mga tao kaysa kay Jesus. Ang impluwensiya ng mga kasamahan ay hindi nagtatapos sa mataas na paaralan; hanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin natin ang iniisip ng ibang tao. Nais pa rin nating magustuhan ng mga tao. Nais nating maging aprubado sa kanila. At kung minsan ay malala nating ikinokompromiso ang tama dahil sa takot natin sa iisipin ng iba. Ikinaila ni Pedro si Jesus sa takot sa iisipin ng isang taong hindi naman niya kilala.

Ngunit kung may isususko kang ilang mga kaibigan o isang posisyon o ilang kasiyahan o anumang bagay alang-alang kay Cristo, alamin mo ito: higit pa sa mga ito ang ibabalik sa iyo ng Diyos.

Buod na pangungusap: Ano ang mas mahalaga sa iyo kaysa sa Diyos?


Karapatang maglathala© 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org