Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang "Tamang Panahon" ay Ngayon
Bagaman siya ay pinalaki sa isang Cristianong tahanan, ang aking ina ay naghimagsik laban sa Diyos sa maraming taon ng kanyang buhay. At sa tuwing kami ay magkakaroon ng dibdibang pag-uusap tungkol sa buhay o sa kahulugan nito o kaya naman ay tungkol sa kabilang-buhay o tungkol sa Diyos, lagi niyang sasabihin, "Ayokong pag-usapan iyan."
Isang araw, nagkaroon siya ng malubhang karamdaman, at nagkaroon ako ng matinding damdamin na puntahan siya at makipag-usap sa kanya. Kaya't pinuntahan ko siya. Ang sabi ko sa kanya, "Gusto kong makausap ka tungkol sa iyong kaluluwa, at gusto kong kausapin ka tungkol sa kahulugan ng buhay at sa kung anong mangyayari kapag tayo ay namatay.
At sinabi niya sa akin, "Ayokong pag-usapan iyan."
"Pag-uusapan natin iyan ngayong araw na ito," ang sabi ko. At kami nga ay nag-usap. Ang bunga ng pag-uusap na iyon ay ang pagtatalaga niyang muli ng buhay niya sa Panginoon. Pumanaw siya makaraan ang isang buwan. Natuwa ako na nagkaroon kami ng ganoong pag-uusap, kahit na hindi ito naging madali para sa amin.
Ilang taon ang lumipas, at nabalitaan kong ang kanyang asawang si Bill ay malubha ang karamdaman, at hiniling sa akin na puntahan siya. Naghahanda ako noong araw na iyon na maging isang panauhing tagapagsalita, kaya't binalak kong dalawin siya sa sunod na araw. Ngunit muli, naramdaman ko ang kagustuhan ng Panginoon na puntahan ko agad siya. Nagkaroon kami ng tapat na pag-uusap, at muli ay inilahad ko sa kanya ang mabuting balita. Ninais ni Bill na ilagay ang pananampalataya niya kay Cristo, kaya't nanalangin kami upang italaga ang buhay niya sa Panginoon. Sumakay na ako ng eroplano, at sa aming paglapag, nakatanggap ako ng text na pumanaw na si Bill.
Alam kong nakakaasiwa at mahirap buksan ang mga paksang ito sa mga hindi mananampalataya--lalo na sa miyembro ng pamilya natin. Ngunit kailangang gawin mo kung ano ang tama. At magagalak ka kapag ito ay ginawa mo.
Buod na pangungusap: Maaaring nakakaasiwang pag-usapan ang tungkol sa kaligtasan sa mga mahal natin sa buhay na hindi pa nananampalataya, ngunit magtiwala tayo sa Diyos at ating ibahagi ang katotohanan sa kanila.
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…
