Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Ang Katanungan ng Pagiging Anak
Ang nakagawiang kaalaman tungkol sa kung anong mangyayari sa iyo kapag ikaw ay namatay ay ang ikaw ay tatayo sa harapan ng Diyos, at kung nakagawa ka ng sapat na mabubuting gawa na higit sa masasamang nagawa mo, makakapasok ka sa langit, sapagkat ang langit ay para sa mabubuting tao. At ang mabubuting tao ay pumupunta sa langit.
Kasunod nito ay ang paniniwala na kapag ang nagawa mong kasamaan ay mas higit sa mabubuti mong gawa, ikaw ay pupunta sa impyerno, sapagkat ang impyerno ay para sa masasamang tao. Ang langit ay para sa mabubuting tao na nakakapasok dahil sa mabubuting gawa nila, samantalang ang impyerno ay para sa masasamang taong gumagawa ng masama.
Ngunit hindi iyan ang itinuturo ng Biblia. Itinuturo ng Biblia na ang impyerno ay nakahanda para sa diablo at sa kanyang mga kampon (tingnan ang Mateo 25:41); hindi ito nakahanda para sa masasamang tao.
Ang langit ang tahanan ng Diyos, at ang paraan upang ikaw ay makapasok dito ay nakasalalay sa kung anong ginawa mo kay Jesus. Ang gugustuhing malaman ng Diyos ay kung ikaw ba ay nanampalataya kay Jesu-Cristo?
Kahit na ikaw ay namuhay nang may kasamaan at nagkasala ka sa buong buhay mo, kung bago ka namatay ay tumawag ka sa Panginoong Jesu-Cristo nang may totoong pagsisisi, pupunta ka sa langit. Ngunit kung nagkaroon ka ng mabuting buhay at maituturing na mabuting tao at gumawa ng mabubuting gawa, ngunit hindi mo kailanman inilagay ang pananampalataya mo kay Jesu-Cristo, hindi ka pupunta sa langit. At oo nga pala, hindi kailanman mahihigitan ng iyong mabubuting gawa ang masasamang gawa mo. Kaya't magpasalamat kang hindi base doon ka hahatulan.
Ang kasiguruhan na tayo ay pupunta sa langit ay hindi ayon sa laganap na kaalaman sa ating kultura, kundi sa itinuturo ng Biblia tungkol dito. Ito ang katanungan tungkol sa Anak--hindi katanungan tungkol sa kasalanan.
Buod na pangungusap: Sino ang makakapunta sa langit?
Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.
Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng Holy Bible, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. All rights reserved.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Mag One-on-One with God

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos
