Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 15 NG 30

Ang Daan Pabalik

Kawili-wiling isipin na nang matagpuan ni Pedro ang muling nabuhay na Cristo, tinanong siya ni Jesus ng iisang tanong nang tatlong ulit. Ilang beses ikinaila ni Pedro ang Panginoon? Tatlo. At tatlong beses na tinanong siya ni Jesus, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako . . . ?" (Juan 21:15-17). Ang dating Pedro ay marahil na sasagot ng, "Iniibig ba Kita? Walang umiibig sa Iyo nang tulad ng pag-ibig ko, Jesus."
Ngunit ang bago-at-mas-pinabuti, at nagsisising si Pedro ay nagsabi ng, “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo" (bersikulo 15-17).

Ginamit ni Jesus ang salitang Griyego na agape para sa salitang pag-ibig sa unang dalawang beses, habang ibang salita ang ginamit ni Pedro, phileo. Kalakip sa kahulugan ng agape ang matindi, ganap, tapat, at handang-magsakripisyo na pag-ibig, samantalang ang phileo ay tumutukoy sa pag-ibig ng magkaibigan. Kaya't ang talagang sinasabi ni Pedro ay, "Panginoon, ang tanging maipapangako ko sa Iyo ngayon ay gusto kita tulad ng isang kaibigan."

Hindi ko pipintasan si Pedro dahil diyan. Ito ay isang tapat na pagtasa ng kanyang katayuan noon panahong iyon. Huwag mo kailanman ipagmamalaki kung gaano mo iniibig si Jesus; ipagmalaki mo kung gaano ka iniibig si Jesus. Ang ating pag-ibig ay pabago-bago. Minsan mainit at minsan malamig. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi kailanman nagbabago. Ito ay laging nariyan. Kaya nga't tinawag ni Juan na alagad ang sarili niyang "alagad na minamahal ni Jesus." Hindi ito isang pagmamayabang. Sinasabi ni Juan na batid niyang iniibig siya ni Jesus. At kailangan mong malaman na iniibig ka ni Jesus, kahit nagawa mong magtaksil sa Kanya.

Maaaring ang laki ng pagkakamali mo. Maaaring nahulog kang muli sa dati mong maling pamumuhay. Ang paraan upang maitama ang mali mo sa Diyos ay ang manumbalik sa Kanya. Sinasabi Niya sa Jeremias 3:22 ang, "Manumbalik kayo, mga anak na taksil, pinapatawad ko na kayo sa inyong mga kasalanan." Kaya alalahanin mo kung nasaan ka noon. Bumalik ka at pagsisihan ang iyong kasalanan. At pagkatapos ay magsimula kang mamuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos.

Buod na pangungusap: Ang paraan upang maitama ang mali mo sa Diyos ay ang bumalik sa Kanya.


Karapatang maglathala © 2012 ng Harvest Ministries. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pagkaunawa ng Banal na Kasulatan, upang matulungan kang "makilala ang Diyos at maipakilala Siya" sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang Cristiano.

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org