SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

"Ang Kamatayan ng Kamatayan"
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, "Babangon Ako sa ikatlong araw." Sinabi Niya ito sa Marcos 8, at muli sa Marcos 10.
Sa pag-uulit na ito, kakaibang nangyayari rito. Sa ikatlong araw matapos ang kamatayan ni Jesus, walang mga alagad na lalaking naroon sa paligid; ang mga alagad na babaeng ito ay makikita, ngunit dala-dala nila ang mga mamahaling sangkap at pabango na nakaugaliang ipinapahid sa katawan ng isang namatay. Walang nag-aakalang may muling pagkabuhay na mangyayari. Kung ikaw ang manunulat ng Ebanghelyo na si Marcos, na sinusubukang makasulat ng isang kapani-paniwalang likahang-isip, at narinig mo si Jesus na paulit-ulit na sinabi sa Kanyang mga alagad na babangon Siya sa ikatlong araw, hindi kaya kahit isa man lang na alagad ay mag-iisip na pagkatapos ng pagkamatay ni Jesus ay sasabihin niya sa iba, "Ikatlong araw na ngayon. Baka kailangan nating tingnan ang pinaglibingan kay Jesus. Wala namang makakasama dito, di ba? Makatwiran lamang ito. Ngunit walang kahit sino sa kanila ang nagsabi nito. Sa katunayan, hindi nila inakalang magkakaroon ng muling pagkabuhay. Hindi ito sumagi sa isip nila. Ang anghel sa harap ng puntod na walang laman ay kinailangang ipaalala sa mga kababaihan: "Makikita ninyo sila, katulad ng sinabi Niya sa inyo." Kung gawa-gawa lamang ni Marcos ang kasaysayang ito, hindi ganito ang gagawin niyang pagsusulat nito.
At narito ang punto: Ang muling pagkabuhay ay hindi kapani-paniwala para sa mga unang alagad, napaka-imposible ito para sa kanilang paniwalaan, na siya ring totoo para sa marami sa atin sa ngayon. Sabihin pa, ang kanilang mga dahilan ay naiiba kaysa sa mga dahilan natin. Hindi naniniwala ang mga Griyego sa muling pagkabuhay; sa pananaw ng mga Griyego, ang kabilang buhay ay isang pagpapalaya sa kaluluwa mula sa katawan. Para sa kanila, ang muling pagkabuhay ay hindi kailanman magiging bahagi ng buhay pagkatapos ng kamatayan. Para naman sa mga Hudyo, ang ilan sa kanila ay naniniwala sa pangkalahatang muling pagkabuhay sa hinaharap kung saan ang buong mundo ay mababagong muli, ngunit wala silang pagkaunawa ng isang taong muling mabubuhay. Ang mga tao sa kapanahunan ni Jesus ay malamang na hindi rin nakahandang maniwala sa muling pagkabuhay na tulad natin.
Mahirap ba para sa iyong maniwala na si Jesus ay bumangon mula sa kamatayan? Paano kang nabibigyan ng pag-asa ng muling pagkabuhay ni Jesus?
Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling inilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller
At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng mga kwento mula rito, naghain siya ng mga bagong kaalaman tungkol sa kaugnayan ng ating mga buhay sa buhay ng Anak ng Diyos, na hahantong sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang JESUS THE KING ay isa nang aklat at gabay sa pag-aaral para sa maliliit na grupo ang, matatagpuan ito saan mang tindahan ng libro.
More
Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Krus at Korona

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Ang Boteng Alabastro

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Ang Apat Na Tula
