SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

"Higit pa sa Iyong Inaasahan"
Kung minsan kapag ako'y nagtutungo kay Jesus, hinahayaan Niyang mangyari ang mga bagay na hindi ko nauunawaan. Hindi Niya ginagawa ang mga bagay ayon sa aking balak, o sa paraan na makatuwiran para sa akin. Ngunit kung si Jesus ay Diyos, Siya'y tunay ngang dakila upang magkaroon ng mga dahilan upang padaanin ka sa mga bagay na hindi mo nauunawaan. Ang Kanyang kapangyarihan ay walang hangganan, subalit ganoon din ang Kanyang karunungan at ang Kanyang pagmamahal. Ang kalikasan ay walang malasakit sa iyo, subalit si Jesus ay puno ng walang taros na pagmamahal para sa iyo. Kung talagang nabatid ng mga alagad na sila'y mahal ni Jesus, kung talagang naunawaan nila na Siya'y makapangyarihan at mapagmahal din, hindi sana sila dapat natakot. Ang kanilang batayan, na kung mahal sila ni Jesus ay hindi Niya hahayaang may masamang bagay na mangyari sa kanila, ay mali. Maaari Niyang mahalin ang isang tao at hayaang may hindi magandang bagay na mangyari dito, sapagkat Siya ay Diyos—sapagkat higit Niyang nalalaman ang mas mabuti kaysa sa kanila.
Kung mayroon kang Diyos na tunay ngang dakila at lubos na makapangyarihan na maaari mong pagbuntunan ng iyong galit sapagkat hindi Niya pinatitigil ang iyong pagdurusa, mayroon ka ring Diyos na tunay ngang dakila at lubos ngang makapangyarihan upang Siya'y magkaroon ng mga dahilang hindi mo kayang maunawaan. Hindi maaaring makuha mong pareho ang mga ito. Mahusay na ipinahayag ito ng aking guro na si Elisabeth Elliot sa dalawang maikling pangungusap: "Ang Diyos ay Diyos, at dahil Siya ay Diyos, karapat-dapat sa Kanya ang aking pagsamba at ang aking paglilingkod. Ang aking kapahingahan ay tanging sa Kanyang kalooban ko lamang matatagpuan, at ang kaloobang ito ay talagang walang hanggan, hindi masusukat, at di-kayang bigkasin sapagkat di-abot ng aking pagkaunawa ang Kanyang nilalayon." Kung ikaw ay nasa kahabagan ng unos, ang kapangyarihan nito ay hindi kayang pamahalaan at hindi ka minamahal nito. Ang tanging lugar kung saan ka ligtas ay sa kalooban ng Diyos. Ngunit dahil Siya ay Diyos at ikaw ay hindi, ang kalooban ng Diyos ay lubhang kailangan, hindi masusukat at hindi kayang bigkasin lampas sa pinakamalaking pagkaunawa ng anumang Kanyang ginagawa. Ligtas ba siya? "Siyempre, hindi siya ligtas. Sino bang nagsabi ng tungkol sa pagiging ligtas? Ngunit Siya'y mabuti. Siya ang Hari."
Paano tayong magkakaroon ng kapayapaan kay Cristo sa mga pagkakataong madaling magkaroon ng kabalisahan at/o kawalan ng pag-asa? Saan sa buhay mo hinihintay mo si Jesus upang magbigay ng Kanyang tulong?
Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller
At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015
ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng mga kwento mula rito, naghain siya ng mga bagong kaalaman tungkol sa kaugnayan ng ating mga buhay sa buhay ng Anak ng Diyos, na hahantong sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang JESUS THE KING ay isa nang aklat at gabay sa pag-aaral para sa maliliit na grupo ang, matatagpuan ito saan mang tindahan ng libro.
More
Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Krus at Korona

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Ang Boteng Alabastro

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Prayer
