Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 8 NG 9

"Ang Haring Ipinako"

Nang Siya'y tinanong ng mataas na saserdote, "Ikaw ba ang Cristo, ang Anak ng Pinagpala?" sinabi ni Jesus, "Ako nga." Sa pagtugon Niya ng ganito, sinasabi ni jesus: Paparito ako sa mundo sa kaluwalhatian ng Diyos at hahatulan ko ang buong mundo." Ito'y isang kahanga-hangang pahayag. Ito'y isang pag-angkin sa pagiging Diyos.

Sa lahat ng bagay na maaaring sabihin ni Jesus—at napakaraming mga teksto, mga paksa, mga larawan, mga talinhaga, at mga sipi mula sa Hebreong Kasulatan na maaari Niyang gamitin upang sabihin kung sino Siya—tiyakan Niyang sinabi na Siya ang tagahatol. Sa pagpili Niya ng salitang ito, sinasadya ni Jesus na pilitin tayong makita ang kabalintunaan dito. May malaking pagkakabaliktad. Siya ang tagahatol ng buong mundo, na hinahatulan ng mundo. Nararapat na Siya'y nasa luklukan ng paghatol, at tayo'y nararapat na nasa daungan, nakatanikala. Ang lahat ay nabaligtad.

At sa sandaling angkinin ni Jesus ang pagiging tagahatol, sa sandaling angkinin Niya ang pagiging Diyos, ang tugon ay sumasabog. Sinulat ni Marcos:

"Ako nga," ang sabi ni Jesus. "At makikita ninyong nakaupo ang Anak ng Tao sa kanang luklukan ng Nag-iisang Makapangyarihan at dumarating na nasa kaulapan ng kalangitan." Pinunit ng mataas na saserdote ang kanyang damit. "Bakit kailangan pa natin ang karagdagang mga saksi?" ang tanong niya. "Narinig ninyo ang pamumusong Niya. Ano sa palagay ninyo?" Lahat sila'y hinatulan na Siya'y karapat-dapat sa kamatayan. At ang iba'y dinuraan Siya; piniringan nila Siya, hinampas ng kanilang mga kamao, at sinabihang, "Hulaan mo!" At kinuha Siya ng mga guwardiya at pinagpapalo.
(Marcos 14:62-65)

Pinunit ng mataas na saserdote ang kayang kasuotan, isang tanda ng maaaring pinakamalaking kalapastanganan, pagkasindak, at pighati. At pagkatapos ay lumubha ang buong paglilitis. Sa totoo lamang ay hindi na ito isang paglilitis; ito'y isa ng kaguluhan. Ang mga hurado at mga hukom ay nagsimulang pagduduraan at pagpapaluin Siya. Sa kalagitnaan ng paglilitis, sila'y tunay ngang naging mabangis. Agad-agad Siyang hinatulan ng pamumusong at hinatulang karapat-dapat sa kamatayan.

Habang ikaw at ako ay hindi literal na maduduraan si Jesus sa Kanyang mukha, maaari pa rin natin Siyang libakin at tanggihan. Sa paanong mga paraan natin maaaring natatanggihan si Jesus bilang Diyos?

Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya