Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 5 NG 9

"Kinailangang Mamatay ni Jesus"

Sa paggamit ng salitang kailangan, ipinapahiwatig ni Jesus na nagbabalak Siyang mamatay—na kusang-loob Niya itong ginagawa. Hindi Niya lamang ito hinuhulaang mangyayari. Ito marahil ang lubos na nakapagpapasakit ng damdamin ni Pedro. Isang bagay na sabihin ni Jesus na, "Lalaban ako at magagapi," at iba naman ang sabihin nang ganito, "Ito ang dahilan kung bakit Ako naparito; binabalak Kong mamatay! Tunay ngang hindi ito maipaliwanag ni Pedro.

Kaya nga noong sinabi ito ni Jesus, agad-agad Siyang "pinagalitan" ni Pedro. Ito ang pandiwang ginagamit sa ginagawa ni Jesus sa mga demonyo. Ang ibig sabihin nito ay hinahatulan niya si Jesus sa pinakamatapang na pananalitang maaari. Bakit ganoon na lamang ang pagkawasak ni Pedro, na babaling siya kay Jesus nang ganito pagkatapos niyang kilalanin si Jesus bilang Mesiyas? Simula pa lamang nang nakaupo si Pedro sa kandungan ng kanyang ina, sinabihan na siya na kapag dumating ang Mesiyas, tatalunin nito ang kasamaan at ang kawalang-katarungan sa pamamagitan ng pag-akyat sa trono. Ngunit narito si Jesus at sinasabing, "Oo, ako ang Mesiyas, ang Hari, ngunit naparito ako hindi para mabuhay kundi para mamatay. Hindi Ako narito upang kunin ang kapangyarihan kundi ang mawala ito sa Akin; narito Ako hindi para mamuno kung para maglingkod. At iyan ang gagawin Ko upang matalo ko ang kasamaan at maitama Ko ang lahat."

Hindi lamang sinabi ni Jesus na ang Anak ng Tao ay magdurusa; sinabi Niyang ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa. Ang salitang iyon ay napakahalaga kaya't ito'y dalawang beses na ginamit: "Ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa nng maraming bagay at... Siya'y kailangang patayin." Ang salitang kailangan ay nagpapabago at namamahala sa buong pangungusap, at nangangahulugan itong ang lahat ng nakatala rito ay kinakailangan. Kailangang magdusa ni Jesus, kailangan Siyang tanggihan, kailangang patayin, kailangang mabuhay na muli. Ito ang isa sa mga makabuluhang salita sa kasaysayan ng mundo, at ito'y isang nakakatakot na salita. Ang sinabi ni Jesus ay hindi lamang "naparito Ako upang mamatay" ngunit "Kailangan kong mamatay. Talagang kailangan kong mamatay. Hindi mababago ang mundo, ni ang buhay mo, malibang Ako'y mamatay." Bakit kailangang-kailangang mamatay ni Jesus?

Napakahirap para kay Pedrong tanggapin ang kamatayan ni Jesus. Bakit napakahirap nito para sa kanya—at sa atin—na tanggapin?

Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya