Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 4 NG 9

"Walang Karapatang Pagpupumilit"

"Totoo, Panginoon. Sapagkat maging ang mga aso man na nasa ilalim ng hapag kainan ay kumakain ng mga nahuhulog na mumo mula sa mga anak." Sinabi ni Jesus sa kanya: Dahil sa sinabi mong ito, lumakad ka na. Lumabas na ang demonyo sa iyong anak." Siya ay umuwi at nakita ang kanyang anak na nakahiga sa kama, at wala na ang demonyo.
(Marcos 7:28 - 30)

Sa madaling salita, ang sinasabi niya "Opo, Panginoon, subalit ang mga tuta ay kumakain din mula sa mesa, at narito ako para kainin ang sa akin." Si Jesus ay nagsalita sa kanya ng talinghaga nagtataglay ng hamon at alay sa kanya, at tinanggap niya ito. Tumugon siya sa hamon:"Oo, naiintindihan ko. Hindi ako nagmula sa Israel, hindi ako sumasamba sa Diyos na sinasamba ng mga Israelita. Kung kaya, wala akong lugar sa hapag-kainan. Tinatanggap ko iyon."

Hindi ba kahanga-hanga ito? Hindi niya minasama ito; hindi siya tumatatayo sa kanyang mga karapatan. Sinabi niya, "Sige. Maaring wala akong lugar sa hapag-kainan—subalit sobra-sobra ang nasa hapag para sa lahat ng tao sa mundo, at kailangan ko ang para sa akin ngayon." Nakikipagtalo siya kay Jesus sa pinaka-magalang na paraan at hindi siya tatanggap ng pagtanggi. Gusto ko ang ginagawa ng babaeng ito.

Sa kulturang Kanluranin wala kaming ganitong klase ng pagpupumilit. Kaya lang naming ipaglaban ang aming karapatan. Hindi namin alam kung paano makipagtalo kung hindi kami tumatayo para sa aming karapatan, alang-alang sa aming dignidad at kabutihan at sinasabing, "Ito ang ipinagkait sa amin." Ngunit hindi ito ginagawa ng babaeng ito. Ito ay walang karapatang pagpupumilit, bagay na hindi namin masyadong alam. Hindi niya sinasabing, "Panginoon, ibigay mo ang nararapat sa akin base sa aking kabutihan." Sinasabi niya na, "Ibigay mo sa akin ang bagay na hindi karapat-dapat sa akin base sa iyong kabutihan—at kailangan ko ito ngayon. Nakikita mo ba kung gaano kahangahanga na kinikilala at tinatanggap niya ang paghamon pati na rin ang alay na nakapaloob dito?

Ang mahusay na pagsasalin sa sagot ni Jesus sa kanya ay "Mahusay na sagot!" Ang ibang salin ay nagsasabi ng tugon ni Jesus na "Kahanga-hangang sagot, hindi kapani-paniwalang kasagutan." Kung kaya ang kanyang hiling ay tinugon at ang kanyang anak na babae ay gumaling.

Paano maaapektuhan ng pananamplataya ng babaeng Gentil ang iyong paglapit sa Diyos?

Hango mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Reprinted by arrangement with Riverhead Books, a member of Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 by Timothy Keller

At mula sa THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 by Zondervan, a division of HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya