Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 7 NG 9

"Ang Komunyon at ang Komunidad"

Alalahanin ang sinabi ni Jesus nang kinuha Niya ang kopa:

At pagkatapos ay kinuha Niya ang kopa, nagpasalamat at inihandog ito sa kanila, at lahat sila ay uminom mula rito. "Ito ang Aking dugo, pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos, at nabuhos para sa marami," sinabi Niya sa kanila. "Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan, hindi na Ako muling iinom ng katas ng ubas hanggang sa araw na inumin ko itong panibago sa kaharian ng Diyos,"
(Marcos 14:23-25)

Sinasabi ng mga salita ni Jesus na bilang bunga ng sakripisyong paghalili Niya para sa atin, mayroon ng bagong tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang batayan ng ugnayang ito ay ang mismong dugo ni Jesus: "ang dugo Kong nagpatibay sa tipan." Nang ipinahayag Niyang hindi Siya kakain o iinom hanggang sa katagpuin natin Siya sa kaharian ng Diyos, Ipinapangako ni Jesus na Siya'y lubusang nangangako sa atin: "Dadalhin Ko kayo sa mga bisig ng Ama. Dadalhin Ko kayo sa piging ng Hari." Madalas na inihahambing ni Jesus ang kaharian ng Diyos sa pag-upo sa isang malaking piging. Sa Mateo 8, sinasabi ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo na maraming manggagaling mula sa silangan at sa kanluran, at uupo sa kanilang lugar sa piging... sa kaharian ng langit." Ipinapangako ni Jesus na tayo'y makakasama Niya sa piging na ito sa kaharian.

Sa payak na pagpapahayag ng pagtataas ng tinapay at ng alak, sa payak na mga salitang "Ito ang Aking katawan... ito ang Aking dugo," sinasabi ni Jesus na ang mga naunang pagliligtas, ang mga naunang pagsasakripisyo, ang mga tupa sa Paskwa, lahat ay nakaturo sa Kanya. Kung paanong ang unang Paskwa ay ginawa noong gabi bago iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa kanilang pagkaalipin sa pamamagitan ng dugo ng mga tupa, ang pagkaing ito ng Paskwa ay kinain noong gabi bago iniligtas ng Diyos ang mundo mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.

Ano ang ilan sa mga bagay na kinakailangang mangyari sa iyong puso at isipan upang taimtim mong matanggap ang inihahandog ni Jesus?

Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya