Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 6 NG 9

"Gawing Posible ang Imposible"

Sa pagtatagpong ito, sinasabi ni Jesus na may malaking pagkakamali sa ating lahat—ngunit ang salapi ay may natatanging kapangyarihan upang bulagin tayo sa bagay na ito. Ang totoo, ganoon na lamang ang kapangyarihan nitong dayain tayo sa ating tunay na kalagayang espiritwal, kaya't kinakailangan natin ng isang mabiyaya at mahimalang pamamagitan mula sa Diyos upang ito'y ating makita. Ito'y imposible kung wala ang Diyos, kung walang himala. Kung walang biyaya.

Pansinin kung paanong pinayuhan ni Jesus ang batang lalaking ito. Oo, kinailangan ng pagpapayo ng lalaking ito, bagama't sa panlabas na kaanyuan ay aakalain mong siya'y buong-buo na. Mayaman siya, bata pa, at malamang ay maganda ang kanyang kaanyuan—mahirap maging mayaman at bata nang hindi maganda ang kaanyuan mo. Ngunit wala pa sa kanya ang lahat. Sapagkat kung siya'y buo na, hindi na siya lalapit kay Jesus at magtatanong, "Ano ang kailangan kong gawin upang mapasaakin ang buhay na walang hanggan?"

Ang sinumang tapat na Hudyo ay tiyak na alam ang sagot sa katanungang ito. Ang mga rabbi ay laging itinatanong ang katanungang ito sa kanilang mga isinusulat at sa kanilang mga pagtuturo. At ang kanilang kasagutan ay laging pareho; walang nagkakaibang kaisipan tungkol sa bagay na ito. Ang kasagutan ay "Sundin ang mga batas ng Diyos at iwasan ang lahat ng kasalanan." Batid na ng batang lalaki ang sagot dito. Bakit itinatanong pa niya ito kay Jesus?

Ang mapang-unawang pangungusap ni Jesus na "Isang bagay ang kulang sa iyo" ay nagpapakita sa atin ng buod ng pagsisikap ng batang lalaking ito. Sinasabi ng lalaki, "Alam mo, ginawa ko nang lahat ang tama; matagumpay ako pagdating sa kabuhayan ko, matagumpay ako sa pakikihalubilo ko, matagumpay ako kung pag-uusapan ang moralidad, matagumpay ako sa relihiyon ko. Nabalitaan kong ikaw ay isang mabuting rabbi, at iniisip ko kung mayroon akong nakaligtaan, kung mayroon akong hindi nakita. Nararamdaman kong parang may kulang."

Talaga namang mayroon siyang nakakaligtaan. Sapagkat ang sinumang umaasa sa kanilang ginagawa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay matatagpuang, sa kabila ng lahat ng kanilang nagawa, may kahungkagan, walang kapanatagan, may pagdududa. Siguradong may isang bagay na kulang. Paanong malalaman ng sinuman kung talagang sila'y sapat na?

Paano mong maitataguyod ang isang matagumpay na propesyon at hindi ka mapapadala sa bitag na nililikha ng kayamanan? Sa anong paraan ka nabago ng Ebanghelyo—o maaaring mabago—pagdating sa saloobin mo tungkol sa salapi?

Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya