Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 2 NG 9

"Mas Malalim na Pagpapagaling"

Si Jesus ay may nalalaman na hindi alam ng tao— na mas malaki pa ang kanyang suliranin kaysa sa kanyang pisikal na kalagayan. Sinasabi ni Jesus sa kanya, "Nauunawaan ko ang iyong mga suliranin. Nakita ko ang iyong pagdurusa. Pupunta tayo diyan. Ngunit unawain mo sanang ang pangunahing suliranin sa buhay ng isang tao ay hindi ang kanyang pagdurusa; ito'y ang kanyang kasalanan."

Kung ang tingin mo'y nakasasakit ang sagot ni Jesus, maaari bang isaalang-alang mo ito: Kung may isang taong nagsabi sa iyo na, "Ang pangunahing suliranin sa buhay mo ay hindi ang nangyari sa iyo, hindi ang ginawa ng mga tao sa iyo; ang iyong pangunahing suliranin ay ang paraan kung paano ka tumugon sa mga iyon"—maaaring kakatwa ito, subalit ito'y nagbibigay- kapangyarihan. Bakit? Sapagkat wala ka nang gaanong magagawa sa nangyari sa iyo o sa kung anong ginagawa ng ibang tao—ngunit may magagawa ka pa sa sarili mo. Kapag ang Biblia ay nangungusap tungkol sa kasalanan, hindi ito tumutukoy lamang sa mga masasamang bagay na ating ginagawa. Hindi ito pagsisinungaling lamang o pagkakaroon ng pagnanasa o kung anupaman—ito'y ang hindi pagpansin sa Diyos sa mundong Kanyang nilikha; ito'y isang pagrerebelde sa Kanya sa pamamagitan ng pamumuhay na hindi sumasangguni sa Kanya. Ito'y ang pagsasabi ng, "Ako ang magdedesisyon kung paano ko patatakbuhin ang buhay ko." At sinasabi ni Jesus na ito ang ating pangunahing suliranin.

Inihaharap ni Jesus ang paralitiko sa kanyang pangunahing suliranin sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya sa malalim na panghihimok. Sinasabi ni Jesus, "Sa paglapit sa Akin at sa paghinging pagalingin ko lamang ang iyong katawan, hindi ka nagiisip ng malalim. Minamaliit mo ang lalim ng iyong mga pagnanasa, ang pagnanasa ng iyong puso." Ang lahat ng taong paralisado ay natural na gugustuhin ng bawat hibla ng kanyang katauhan na makalakad. Ngunit natitiyak kong ang lalaking ito ay isinasandal ang lahat ng kanyang pag-asa sa posibilidad na makalakad na muli. Nakatitiyak akong sa kanyang puso ay ganito ang kanyang sinasabi, "Kung makakalakad lang akong muli, tiyak akong aayos na ang buhay ko. Hinding-hindi na ako magiging malungkot, hindi na ako magrereklamo. Kung makakalakad lamang ako, ang lahat ay magiging tama." At sinasabi ni Jesus, "Aking anak, nagkakamali ka." Maaaring ito'y parang masakit pakinggan, ngunit ito'y lubhang totoo. Sinasabi ni Jesus, "Kapag pinagaling Ko ang iyong katawan, kung iyon lamang ang Aking gagawin, mararamdaman mong hindi ka na kailanman magiging malungkot muli. Ngunit maghintay ka ng dalawang buwan, apat na buwan—ang labis na katuwaan ay hindi magtatagal. Ang ugat ng kawalang-kasiyahan ng puso ng tao ay malalim."

Bakit kapatawaran ang pinakamasidhing pangangailangan ng paralitiko? Bakit ito ang pinakamasidhing pangangailangan natin? Anong iba pang "pangangailangan" ang sa akala natin ay mas masidhi pa sa ating pangangailangan ng kapatawaran?

Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling nilimbag sa pagsasaayos ng Riverhead Books, kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Chritian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya