Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy KellerHalimbawa

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

ARAW 1 NG 9

"Tinawag ng Hari"

Ang Ebanghelyo ay hindi isang pangaral: ito ang mabuting balita na hindi mo na kailangang pagsumikapan pa upang makalapit ka sa Diyos; ginawa na ito ni Jesus para sa atin. At ito'y regalong tinanggap mo bilang grasya—isang lubos na biyaya ng Diyos na hindi nararapat kaninuman. Kapag tinanggap mo ang regalong ito at patuloy na pinanghawakan, hindi ka mahihikayat na maging isang panatiko o konserbatibong tagasunod ni Jesus. Magiging maalab ang iyong hangaring unahin si Jesus sa buhay mo, na gawin Siyang sentro; subalit kapag ikaw ay may nakilalang iba ang mga pinahahalagahan, iba ang pananampalataya, hindi mo iisiping mas mababa sila sa iyo. Bagkus ay nanaisin mo pa na sila'y paglingkuran sa halip na pagmalupitan.

Bakit? Sapagkat ang Ebanghelyo ay hindi tungkol sa pagpili na sundin ang payo; ito'y tungkol sa pagtawag sa iyo na sumunod sa Hari. Hindi lamang sa isang taong may lakas at kapangyarihan upang sabihin sa iyo kung ano ang dapat gawin—kundi isang taong may lakas at kapangyarihang gawin ang nararapat, at pagkatapos ay ihandog ito sa iyo bilang mabuting balita.

Saan natin nakikita ang ganitong uri ng kapangyarihan? Ang pagbabautismo kay Jesus ay kinasaksihan ng higit sa karaniwang mga tanda na naghahayag ng Kanyang dakilang kapangyarihan. Pagkatapos ay nakita natin ang mabilis na pagsunod nila Simon, Andres, Santiago, at Juan kay Jesus—kung kaya't ang pagtawag Niya mismo ay may kapangyarihan. Ipinagpapatuloy ni Marcos ang temang ito:

"Nagpunta sina Jesus sa Capernaum, at nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagtuturo Siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan."
(Marcos 1:21-22)

Ginamit ni Marcos ang salitang "kapangyarihan" sa unang pagkakataon; ang literal na kahulugan nito ay "mula sa orihinal na materyal." Ito'y mula sa kaparehong pinagmulan ng salitang may-akda. Pinapakahulugan dito ni Marcos na ang turo ni Jesus tungkol sa buhay ay mula sa orihinal at hindi sa kapangyarihang halaw lamang.

Ano kaya ang iyong magiging buhay at ano ang iyong mararamdaman kung lubos kang magpapasakop sa Haring walang kapintasan? Ang iyong buhay manggagawa? Buhay pag-ibig? Buhay pamilya? Buhay pinansyal? Buhay kasama ang iba?Sipi mula sa JESUS THE KING ni Timothy Keller
Muling inilimbag nang may pahintulot kasama ang Riverhead Books, isang kasapi ng Penguin Group (USA) LLC, A Penguin Random House Company. Copyright © 2011 ni Timothy Keller

At mula sa JESUS THE KING STUDY GUIDE ni Timothy Keller at Spence Shelton, Copyright (c) 2015 ng Zondervan, isang kabahagi ng HarperCollins Christian Publishers.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

JESUS THE KING: An Easter Devotional By Timothy Keller

Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng ...

More

Mga siniping aklat mula sa Riverhead Books, kasapi ng Penguin Random House. Gabay sa Pag-aaral ng HarperCollins Christian Publishers. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.penguin.com/book/jesus-the-king-by-timothy-keller/9781594486661 o ang http://www.zondervan.com/jesus-the-king-study-guide

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya