Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Unang Araw: Ang Alikabok"
Sa pagdako natin sa Genesis 3, matatagpuan natin ang isang Diyos na nagbibigay ng sumpa! Tumugon Siya nang may katiyakan sa pagsuway nina Adan at Eva at sa panlilinlang ng ahas. Sa pagpapahayag ng bawat sumpa at hatol, may pagkasira o pagbaligtad na nangyari sa mga nilikha ng Diyos. Si Adan, na nilikha mula sa alikabok, ay itinakda nang bumalik dito. Si Eva, na nilikha mula kay Adan, ay pinangingibabawan na niya. Ang ahas, na mas tuso pa kaysa anumang mabangis na hayop, ay napahiya, at ngayon ay gumagapang gamit ang kanyang tiyan, at kumakain ng alikabok. Sa kabanatang ito, makikita natin na naapektuhan ng kasalanan ang buong sangkalikasan.
Ang paksang ito ay nangungusap sa ating pagnanasang kalimutan ang ating mga kasalanan. Hindi isinasantabi ng Diyos ang kasalanan. Pumasok sa mundo ang kamatayan kasabay ang kasalanan, at ang lahat ng uri ng kapighatian, pagdurusa, at kawalang-pag-asa. Subalit ang pinakamasaklap na sumpa ay bumagsak sa naiibang tao makaraan ang ilan libong taon nang sabihin ni Pablo sa Galatia 3:13, "Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan nang Siya ay isinumpa para sa atin — sapagkat nasusulat, 'Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.'" Inako ni Jesus ang sumpa upang tubusin ang sangkatauhan.
Panalangin
Mahal na Ama, alam kong hindi Ninyo maaaring ipagwalang-bahala ang aking mga kasalanan sapagkat ikaw ay Diyos ng kabanalan at nagpapahalaga sa katarungan at hindi hinahayaan ang kasamaan na magpatuloy nang walang kaparusahan. Gayunpaman ay nagpapasalamat ako sa Inyong dunong at awa na mas hinangad Ninyo na ang sumpa na dapat lamang na sa akin ay mapunta sa Inyong Anak. Sa pangalan ni Cristo, Amen.
Copyright (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
