Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 7 NG 40

"Ika-Pitong araw: Ang Panalangin" Nakapaloob sa sampung bersikulong ito ang dalawang kuwento. Ang una ay ang kuwento ni Hannah, isang babaeng baog na nagnanais magkaroon ng anak at isang buhay na may saysay at ang pagkaligtas sa kanya dahil sa awa ng Diyos. Ang ikalawa ay ang kuwento ng bayan ng Diyos na naglalakbay taon-taon upang "sumamba at maghandog ng kanilang mga alay sa Panginoon sa lugar ng Shiloh." Ang dalawang kuwentong ito ay magkasalabid sa 1 Samuel 1 at sa kalagitnaan ng mga ito ay makikita natin ang tinatawag nilang "panalangin ni Hannah." Marahil ay wala nang mas matinding pagsasalarawan ng isang wasak na mundo (lalo na noong sinaunang kabihasnan) kaysa sa isang babaeng "baog". Ang kagipitan na magkaroon ng isang tagapagmana at makatiyak ng mana para sa Israel ay ganoon na lamang na ang pagiging "baog" ay maaari ring paglalarawan hindi lamang sa pisikal kundi maging sa kalagayang pang-espiritwal at panglipunan. Pagkalipas ng mga taon, napansin ni Hannah na ang kanyang pagdadalamhati ay naging kasalanan at ang kanyang pananangis ay naging "kapighatian" (1 Samuel 1:11), kaya nga nagtungo siya sa Shiloh upang doon ay ihandog sa Panginoon ang bagay na umaalipin sa kanya. Nang siya ay makapagsisi, nangako siya na kung siya ay magkakaanak, ito'y iaalay niya sa Panginoon — sa halip na gamitin niya ang kanyang anak bilang katunayan ng kanyang halaga doon sa mga taong humuhusga sa kanya. Di naglaon at siya'y nagdalang-tao at muli siyang bumalik kasama ang kanyang anak na lalaki, na ibinigay niya bilang isang baguhan sa saserdoteng si Eli. Ang batang lalaking ito ay si Samuel, ang pinakauna sa mga dakilang propeta sa Lumang Tipan. Kung ang sinumang magulang ay mag-iisip na ang kanyang anak ay napakahalaga, si Hannah na ito. Ngunit marahil ay nalaman na rin niya ang magiging papel niya sa buhay ng batang ito ay panandalian lamang. Nang makita natin si Hannah na "nagpakasaya sa Panginoon" nang mula sa kanyang puso, at "nakatagpo ng kalakasan" sa kanya (v. 1), siya ay ibinabangon ng isang bagay na nananatili at totoo sa mundong ito (v. 2). Naunawaan ni Hannah na sa likod ng bawat kalagayan na mayroon siya, pisikal man o espiritwal, ang kapangyarihan ng Panginoon na lumikha ang siyang gumagana at hindi ang sa kanya. (vv. 6-8). Nagalak siya sa kaalamang ito at ito ang nagpalaya sa kanya. Panalangin Ama namin sa langit, hindi man namin inaasam ang mga bagay na inaasam ni Hannah, kami rin ay nagdurusa sa pagsisikap naming panatilihing permanente ang mga bagay na pansamantala at panandalian sa buhay na ito. Tulungan mo kaming kilalanin at pagsisihan ang aming kaslaanan at ilagay ang aming kalakasan sa Bato, sa iyong anak, si JesuCristo. Sa pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang Maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.