Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 40 NG 40

"Ika-40 Araw: Ang Libingan" Ang pangunahing sinasabi ng makasaysayang mensahe ng mga Cristiano ay ang pagkabuhay na muli ni Jesus mula sa kamatayan. Nakakatukso man para sa atin na lumukso na lamang mula sa araw ng Biyernes papunta sa araw ng Linggo, mula sa krus papunta sa muling pagkabuhay, sandaling huminto si Mateo upang dalhin tayo sa katahimikan at kapayapaan ng libingan. Marami ang sumubok na lansagin ang pag-asa ng Cristianismo, at sinasabing si Jesus ay hindi naman talaga namatay o may mga masugid Siyang alagad na ninakaw ang Kanyang katawan upang patibayin ang kanilang pag-aangkin sa isang Tagapagligtas na muling nabuhay. Ngunit ang patlang na inilagay ni Mateo sa pagitan ng huling paghinga at sa unang paglitaw ay nagsasabi nang buong katiyakan na ang kamatayan ay totoo, isang libingang nanahimik, at ang kalagayang sa pagtingin ay wala ng pag-asa. Ang mga Romano ay puspusan sa kanilang pagbibigay ng mga parusang kamatayan, lalo na doon sa mga inakusahan ng pagtataksil sa bayan. Ang katotohanang nakuha ni Pedro ang katawan ni Jesus ay nagsasabing ang mga berdugo ay nasiyahan sa kanilang ginawa. Ang mga Judio, sa kabuuan ng Lumang Tipan, ay binabato ang mga pinakamasamang salarin upang ipakita na para sa ilan, wala silang maaasahang buhay pagkatapos ng kamatayan. Na isang malaking tipak ng bato ang ginamit na takip sa pasukan ng libingan ay nangangahulugang walang inaasahang buhay sa kabila ng libingan ito. Ang libingan ay payapa, madilim at tahimik. Ito ang kapalaran na dapat sana ay para sa atin at ang kahihinatnan ng sangkatauhan. Gayunpaman, ang ating pag-asa ay sa pamamagitan ng isang nilalang na nagpunta sa hukay, may paraan patungo sa bagong mundong ang Diyos ang may kagagawan. Ito ang pag-asang dahil may isang nilalang na nalampasan mismo ang libingan, mararanasan din natin ang bagong buhay kasama Siya. Ang paglalarawan ni Mateo ng libingan ay isang pagpapaalala na ang libingan ay tahimik subalit ang katahimikang iyon ay magtatagal lamang ng isang araw. Panalangin Aming Ama, paalalahanan Mo kaming ang kadiliman ng libingan ay mapagtatagumpayan ng kaliwanagan sa ikatlong araw. Sa pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.