Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 6 NG 40

"Ika-Anim na Araw: Ang Paskuwa" Ang kasaysayan ng Paskuwa kung saan nagsimula ang pag-alis ng Israel mula sa Egipto at sa pagkaalipin dito ay masasabing pangunahing kuwento sa Lumang Tipan sa maraming pamamaraan. Ito'y may masidhing mensahe para sa bayan ng Diyos. Sa isang banda, ito'y isang paalala na kung hindi mamagitan ang Diyos at kakampi sa atin, nasa pareho tayong kalagayan tulad ng iba: bahagi ng rebeldeng nilikha na nasa ilalim ng paghuhukom at kaparusahan ng Diyos. Sa tuwina, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang tao at kung wala ito, hindi tayo maaring lumakad nang may pagpapakumbaba sa harap ng Diyos at ng ibang tao. Sa kabilang banda, ito'y isang paalala sa atin na ang pangunahing bagay na ninanais ng Diyos mula sa atin ay ang ating pagtitiwala. Nais Niyang magtiwala tayong Siya ay mahabagin at mapagkalinga. Gusto Niyang magtiwala tayong ang nais Niya ay ang tayo'y mailigtas at hindi ang tayo'y parusahan. Ito ang dahilan kung bakit Si Jesus ay nag-anyong tao. At gusto Niyang ang ating mga buhay ay magpakita ng pagsunod na nagpapahayag ng ating pagtitiwala sa kanya – maging kung ito man ay ang pagpapahid ng dugo sa haligi ng ating pinto at pagkain ng handa para sa Paskuwa tulad ng ginawa ng mga Israelita, o ang paggunita sa kamatayan ni Jesus na nagligtas sa atin kapag idinaraos natin ang Banal na Hapunan at pamumuhay ng may pagpapatawad at may kabutihang-loob. Ang iyo bang buhay ay nagpapakita ng ganitong uri ng kapakumbabaan at pagtitiwala? Kung hindi, bakit? Panalangin Panginoong Jesus, ipagkaloob mo na lubos kong maramdaman ang pangangailangan ko sa iyong habag at malaman na ikaw ang nagkakaloob nito, upang ang pagpapakumbaba at ang pagtitiwalang may kasamang pagsunod ay tunay na makita sa aking buhay. Sa pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang Maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.