Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 3 NG 40

"Ikatlong Araw: Ang Kadiliman" Ipinapakita ng ika-15 kapitulo ng Genesis ang isa sa mga pinaka kapansin-pansin kung hindi man pinakamalungkot na bahagi sa buhay ni Abraham. Para sa isang nomad, ang pangakong isang lupain ay hindi lang isang magandang balita kundi mahirap ding paniwalaan, kaya't likas lang kay Abraham na tumugon sa pangako ng Diyos (v. 7: "Ako ang Panginoon na kumuha sa iyo mula sa Ur ng mga Caldeo upang ibigay sa iyo ang lupaing ito") ng may pakiusap ng katiyakan (v. 8: "Paano ko malalaman na ito'y magiging akin?"). Ang kamangha-mangha'y hindi ang pakiusap, kundi ang palatandaan na ibinibigay ng Diyos. Ang mga hayop na dindaala sa harapan ng Diyos, hinahati sa dalawa, at pagkatapos ay inihahanay sa Kanya. Nilinaw ng may-akda na habang lumulubog ang araw, hindi lamang nakatulog si Abram, kundi naranasan niya ang isang "nakapangingilabot na kadiliman". Sa masalimuot na kadilimang ito, isang palayok na umuusok at isang sulong nagniningas ang dumaan sa pagitan ng mga hinating hayop at ang kabanata ay natapos sa ganitong pahayag, "Nang araw na iyon ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram" (v. 18). Ano ang nangyayari? Noong unang panahon sa Malapit na Silangan, kapag ang mga partido ay pumapasok sa isang tipan, ito'y kadalasang nagsasakripisyo o kaya naman ay nagsasadula ng isang pamamaraan ng kaparusahan na ipapataw sa partidong hindi makakatupad sa kanilang kasunduan. Ipinahihiwatig nito na ang dalawang partido ay handang igalang ang kanilang kasunduan kahit na ito'y mangahulugan ng pagbubuwis ng kanilang mga buhay — ang kanilang kapalaran ay tulad sa nangyari sa mga hayop. Sa kadiliman ay nasaksihan ni Abraham ang Diyos (na kinakatawan ng palayok at ng sulo) na dumadaan sa pagitan ng mga hinating hayop, kahit na nga hindi naman Niya ito kailangang gawin! Itinala ng mga manunulat ng Ebanghelyo na nang mamatay si Jesus, binalot ng kadiliman ang sangkalupaan, at nakita natin ang ginawang sakripisyo ng Diyos upang bigyang-galang ang Kanyang mga pangako sa atin. Ito ay isang paalala na Siya ay inilibing upang ibigay sa atin ang kalangitan, Siya ay inihiwalay upang bigyan tayo ng tahanan, at nakaranas ng matinding kadiliman upang dalhin tayo sa liwanag. Sa totoo lamang, ito ang nagbigay ng pampalubag-loob kay Abraham mula sa kanyang takot na makikita natin sa Genesis 15:1 ("Huwag kang matakot, Abram, Ako ang iyong kalasag.") Ito rin ba ang nagbibigay ng pampalubag-loob sa iyo? Panalangin: Ama, ipaalala mo sa akin na dahil naranasan ni Jesus ang kadiliman, ipinakita mo ang liwanag, dahil nakaranas Siya ng pagkahiwalay sa Iyo, pinangakuan mo ako ng isang tahanan, dahil naranasan Niyang mailibing, ibinigay Mo sa akin ang langit. At tulungan mo akong hindi matakot, sapagkat Ikaw ang aking kalasag at ang aking dakilang gantimpala. Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.