Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-Siyam na Araw: Ang Tahanan"
Si Haring David, na noon sa wakas ay nananahan na sa kanyang tahanang gawa sa sedar, ay nagnais na magkaroon ng sariling tahanan ang arko ng Diyos. Kaya nga lamang, ang Banal na salita ng Diyos ay dumating kay Nathan, na ipinasasabi kay David na sa halip na pahintulutan siyang bumuo ng isang templo, itatatag ng Panginoon ang Tahanan ni David, hangang humantong ito sa isang siyang "uupo sa trono nang habambuhay."
Walang alinlangang hindi lamang ipinapangako ng Diyos na titiyakin niya ang pagpapatuloy ng lahi ni David bilang isang uri ng pag-alala sa kanya — tulad ng karaniwang paniniwala ng maraming relihiyon na patuloy lang tayong nabubuhay sa ating mga pinag-apuhan. Ang ipinapangako niya ay ang pagtatayo niya sa kaniyang sariling anak mula sa mga pinag-apuhan ni David, na magbabata ng ating mga latay at mga kasalanan.
Ganito talaga ang Diyos! Naghahandog tayo sa kanya ng isang engrandeng balak kung paano nating mapapapurihan siya, at sasalungatin niya ito ng isang lubos na kakaiba at kabaligtarang balak, kung saan siya ay maluluwalhati sa pamamagitan ng pagiging hari at taga-halili.
Salamat sa Diyos at nababasa niya ang ating mga puso at inaayos niya ang ating mga balak at mga panalangin kaya't ang mga ito'y higit pa sa maaari nating hingin o isipin. Manalangin, manalangin at patuloy na manalangin, hanggang sa kaibuturan ng iyong pananaw at pananampalataya, at pagkatapos nito'y maging handa sa gagawin ng Diyos na mas mabuting bagay.
Panalangin
Panginoon, ikaw ay makapangyarihan at tapat. Hayaan mong ang iyong katuwiran at katarungan, ang iyong pag-ibig na hindi nagmamaliw at katapatan ang siyang manguna sa amin. Pahintulutan mong lumakad kami sa liwanang ng iyong mukha at itaas ang iyong pangalan sa bawat araw. Paalalahanan mo kami ng iyong kasunduan kay David, kung paanong itinatag mo ang iyong trono para sa lahat ng henerasyon sa pamamagitan ng krus na kahoy. Sa panaglan ni Cristo, Amen.
Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
