Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-walong Araw: Ang Saserdote"
Nais mo bang ang mga mali sa mundong ito ay maitama? Sa paksang ito, natutunan natin sa v. 28 na ang papel ng mga saserdote ay 1) "umakyat sa aking altar" — nararapat na lumalapit sila sa Diyos sa ngalan ng bayan ng Diyos upang mamagitan at dumulog para sa kanila, 2) "magsindi ng kamanyang" — na isang tungkuling panrelihiyon at ritwal na nagbibigay karangalan sa Diyos (Leviticus 16:13), at 3) "magsuot ng epod " — na siyang tanda ng mga saserdote na siyang nagpapayo sa bayan ng Diyos ng karunungan na nanggagaling sa Diyos. Sa v. 29, nakita natin ang mga anak ni Eli, na mga saserdote ng panahon iyon — na siyang dapat nangangalaga sa bayan ng Diyos — ay siya mismong "nagpapasasa" sa maling paraan gamit ang pinaghirapan ng ibang tao. Hindi lamang ito kawalan ng katarungan, kundi ang mismong mga tao na dapat sana'y nangangalaga para sa kanila ay sila pang nakakapinsala. Paano maitatama ng Diyos ang mga ganitong kamalian?
Kapag tinitingnan natin ang sarili nating mga buhay at ang buhay ng mga taong nakapaligid sa atin, ito rin ang kadalasan nating katanungan. Paanong maitatama ng Diyos ang mga kamalian sa mundo? Ito'y nakababagabag na katanungan kapag napapagtanto natin na tayo mismo ay nakagagawa ng kamalian sa ibang tao. Ang mga taong alam natin na dapat nating minamahal at pinagsisilbihan ay siya mismong madalas nagiging biktima ng ating makasariling pagtutuon ng ating pansin at pag-una sa ating mga kapakanan at interes.
Sinasabi sa atin na nakikita ng Diyos ang ganitong kawalan ng katarungan at dapat na ito'y kanyang putulin (vv. 30-31) at nararapat na ilapat niya ang kaparusahan sa mga nagkamaling panig (v. 34). Kailangan nating mapatigil ang mga kamalian, subalit kailangan din natin ng taong lalapit sa Diyos at magsumamo para sa atin, sapagkat tayo man ay makasalanan din. Sino ang taong ito? Sinasabi ng bersikulo 35 na: "Ako'y magbabangon para sa sarili ko ng isang tapat na saserdote ... ang aking pinahiran ng langis magpakailanman." Ang salitang Hebreo para sa salitang "tapat" ay nangangahulugan din ng "pangmalagian", kaya't ang pagkasaserdoteng ito ay panghabambuhay, ngunit ang katotohanang siya ang "aking pinahiran ng langis ng panghabambuhay" ay nangangahulugang pagiging "hari" sa kaugnay na kahulugan nito. Sino ang tapat at matatag na saserdote na siya ring hari sa panghabang panahon? Tanging isang tao lamang sa ating kasaysayan ang mayroong ng mga katangian ito — si Jesus.
Panalangin
Panginoong Jesus, ang matatag at dakilang punong saserdote at hari, ikaw ang nagbukas ng daan upang kami ay makalapit sa iyo kahit na kami ay madalas na nagkakasala sa aming mga isipan, sa mga salita at sa aming mga ginagawa. Pagkalooban mo kami ng iyong biyayang siyang makapagpapanumbalik sa amin, mag-iingat, gagabay, magbabantay at magbibgay sa amin ng pag-asa. Sa pangalan ni Cristo, Amen
Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
