Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 8 NG 40

Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos

Kung tunay nating naiintindihan ang Salita ng Diyos at nauunawan ito, nagsisimula tayong makaramdam ng pagkamuhi sa mga bagay na dati ay kinahuhumalingan natin. Ang Salita ng Diyos ay ilaw - ipinakikita nito kung gaano tayo kadilim noon, dahil sa halip na ikumpara natin ang ating mga sarili sa mga tao sa paligid natin, napipilitan tayong ikumpara ang ating sarili sa isang perpektong Diyos na makatarungan. Pinakamahusay tayo sa pagsisinungaling at paniniwala sa ating mga sarili na hanggang tayo ay higit sa ibang tao, tayo ay 'mabuting tao.' Tinutulungan tayo ng Salita ng Diyos na malaman na walang 'mabuting tao' dahil tayo ay likas na makasalanan. Ang tanging daan para tayo ay mabago ay aminin na tayo'y makasalanan at hilingin ang awa ng Diyos na mag-umpisa ng pagbabago sa atin habang tayo'y nagbabasa at sumusunod sa Kanyang Salita.

Mga Praktikal na Hakbang: Magbasa ng ilang kawikaan ngayong araw at hilingin sa Diyos na gamitin ang kaalamang ito upang ipakita ang ilang mga kasinungalingan na gusto ng diablo na paniwalaan natin.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya