Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 7 NG 40

Pagbabasa ng Biblia // Kabanata 1: Paano ito Nakarating sa Atin

Dito sa unang taludtod makikita natin si Pedro sa kanyang kasulatan tungkol kay Pablo at mga sulat nito. Pansinin ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng mga salita na kanyang ginagamit sa hulihan– tinawag niya ang mga sulat ni Pablo bilang banal na kasulatan! Maski si Pedro noong panahong iyon ay batid kung gaano kaigting ang kapangyarihan at inspirasyon ng mga sulat na ito – ang alagad ni Jesus, na siya mismong nakarinig ng mga salita ni Jesus, ay nagsasabi na ang mga sulat ni Pablo ay banal na kasulatan. Kahit ang mga kalalakihan na nagsusulat ng mga salitang ito noong panahong iyon ay naunawaan na may isang kamangha-manghang makapangyarihang bagay ang nangyayari. Hindi nila ito ginawa para papurihan ang bawat isa - sa katunayan may isang pangyayari na pinagsabihan ni Pablo si Pedro sa hindi nito pagsasabuhay ng kanyang mga pangaral sa mga Hentil.

Kinilala nila na ang kanilang mga sinulat ay mga banal na kasulatan dahil ang Diyos ay patuloy na binabago ang kasaysayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasamahan. Sa katunayan, hindi nila nais akuin na ang kanilang mga sinulat ay mga banal na kasulatan dahil noong panahong iyon kung iisipin ay mga pag-uusig at labis na pagpapahirap ang kaakibat ng pagsusulat ng pangyayari at mga kaisipang ito. Pero hindi nila ito mapigilan - nakilala nila ang Diyos at Siya ang nagudyok sa kanila upang magsulat.

Mga Praktikal na Hakbang: Gamitin ang araw upang pagnilayan ang kamangha-manghang pakiramdam na mabuhay sa panahon kung kailan binubuo ang mga aklat sa Biblia, at isipin ang mga sakripisyo ng mga kalalakihan at kababaihan na ito upang ang Biblia ay mamalagi hanggang sa araw na ito.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya