Tungkol sa Gabay
"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos
Ang Salita ng Diyos ay ganoon na lamang kamakakapangyarihan na ipinapahayag Niya rito na tutuparin nito ang layunin kung bakit ito ipinadala. Subalit ang nakamamangha sa taludtod na ito ay ang katotohanang ito: nabasa natin noong una na ang salita ng Diyos ay mas matalas pa kaysa sa tabak na magkabilaan ang talim at pinaghihiwalay nito ang maka-Diyos mula sa mga hindi maka-Diyos. Kaya’t ang layunin ng Salita ng Diyos ay ang tubusin ang mga tumatanggap nito, ngunit ito ay magbibigay ng kahatulan para doon sa mga tatanggihan ito; buhay para sa iba, kamatayan para naman sa iba.
Kailangang patuloy nating bantayan ang ating mga puso, upang masigurado nating hindi ito makakawala sa pag-ibig ng Diyos at makadama ng hinanakit sa Kanya. Kasabay nito, kailangan ay naroroon din tayo para sa ating mga kaibigan sa gitna ng kanilang paglalakbay. Kapag parang napapalayo sila sa Diyos, kailangang gawin natin ang lahat upang maibalik sila.
Mga Praktikal na Hakbang: Gumugol ng ilang panahon sa umaga upang ipanalangin ang mga taong nasa buhay mo na sa kasalukuyan ay nasa ‘maling bahagi ng tabak’ pagdating sa Salita at katotohanan ng Diyos. Hilingin sa Diyos na palambutin ang kanilang mga puso sa paraang tanging Siya lamang ang makakagawa, at kasabay nito ay magbukas Siya ng mga pagkakataon para sa iyo upang makapagpahayag ng katotohanan sa kanila.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.