Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 9 NG 40

Pagbabasa ng Biblia //Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos

Sapagkat ang Biblia ay katotohanan, ito ay madaling nagbubukod– ang isang bagay ay alinman sa totoo o hindi. Hindi natin mabibigyang-katwiran ang ating ginagawang kasalanan at mga mapaminsalang pagkilos. Ito’y makapangyarihan sapagkat magaling tayong magbigay-katwiran sa ating kasamaan. Ang prosesong ito ng pagtatabas ng salita ng Diyos ng ating mga pantaong naisin ay madalas masakit, ngunit ito naman ay kapaki-pakinabang. Madalas na sinasabing walang madaling nakukuha ang kapaki-pakinabang. Na walang pag-unlad na walang pinagdaraanang pakikihamok. Ito'y totoo sa halos lahat ng bagay sa buhay, at ito'y totoo rin sa pagbabagong dulot ng Diyos. Masakit ito.

Ngunit kasabay nito, batid nating mas nakakabuti ito sa atin. Ito ay parang pagdidyeta o pagpunta sa gym - walang may gusto nito. Ngunit ginagawa natin ito dahil alam nating mabuti ito para sa atin. Hilingin natin sa Diyos na simulan Niyang ipakita sa atin kung saan tayo kailangang magbago habang hinihiling din natin sa Kanya na tulungan tayong maging malakas habang sinisimulan natin ang mahirap na gawi ng pagbabago.

Mga Praktikal na Hakbang: Gawin ang panalanging ito o ang isang panalanging katulad nito: “Panginoon, idulot Mong ipakita sa akin gamit ang Iyong salita at katotohanan ang aking mga pagkakamali, at gabayan mo ako na ako ay maging kawangis Mo.”

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya